Abdul Raman nagtayo ng sariling foundation: ‘I will focus on helping children in need’
KASABAY ng kanyang ika-20th birthday, isang makabuluhang proyekto ang sinimulan ng Sparkle teen actor na si Abdul Raman.
Nagtayo siya ng sarili niyang foundation na dedicated sa mga batang nangangailangan ng tulong.
Proud niya itong ibinandera sa isang Instagram post kung saan makikitang tinawag niya itong “Abdul Raman Foundation: Sadaqah for Children.”
Para sa kaalaman ng marami ang “sadaqah” ay salitang islam na ang ibig sabihin ay “charity given voluntarily in order to please God.”
“Happy to announce that I will be starting my own foundation with the focus on helping children, all help is appreciated [happy face emoji],” caption niya.
Mababasa rin sa poster na ang layunin ng aktor ay para maiwasan ang kahirapan at para maibigay ang pangangailangan ng mga bata.
“To prevent poverty and provide resources for the children in need through the generosity of Abdul Raman and support from his AbdulNation,” saad sa kanyang post.
Baka Bet Mo: Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya
View this post on Instagram
Maraming netizens ang humanga sa kabutihang loob ng Sparkle star at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Wow naman God Bless you more Abdul, Happy Birthday [red heart emojis].”
“Awww! This is sooo nice!!! Happy Birthday again, nice guy!”
“Ahw! Happy Birthday, Abdul [emoji] Ibinabalik mo lang din ‘yung natatanggap mo na blessings!”
Samantala, tampok si Abdul sa bagong series ng “Sparkle U” kung saan makakasama niya sa first installment na pinamagatang “Frenemies” sina Shayne Sava, Zephanie, Michael Sager, Roxie Smith, Anjay Anson, Lauren King, Vanessa Peña at Princess Aliyah.
Iikot ang istorya nito sa mga estudyante na biglang yumaman matapos i-rescue sa isang sunog ang queen bee ng kanilang eskwelahan.
Related Chika:
StarStruck Avenger Abdul Raman nanghihingi ng tulong para sa na-stroke na ina: I am desperate…
Dennis tumulong sa pagpapagamot sa na-stroke na nanay ni Abdul Raman: Grabe! Nakaka-touch po talaga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.