Abdul Raman nag-aalala pa rin sa inang na-stroke; Kapuso stars tumulong sa pagbabayad sa ospital | Bandera

Abdul Raman nag-aalala pa rin sa inang na-stroke; Kapuso stars tumulong sa pagbabayad sa ospital

Ervin Santiago |July 26,2021
facebook
share this

Abdul Raman nag-aalala pa rin sa inang na-stroke; Kapuso stars tumulong sa pagbabayad sa ospital

Ervin Santiago - July 26, 2021 - 09:10 AM

MARAMING artistang tumulong sa Kapuso young actor at StarStruck alumnus na si Abdul Raman para sa pagpapagamot ng inang na-stroke kamakailan.

Ayon sa binata, last week daw ay umabot na sa kalahating milyong piso ang babayaran nila sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguruhan kung hanggang kailan mako-confine ang ina.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa bagong primetime series ng GMA na “Legal Wives” nagbigay ng update si Abdul sa kundisyon ng kanyang nanay na si Joyettes Geronimo Santos na na-stroke nga noong July 12.

“Recovering pa rin po siya sa ICU. Ang mga good sign naman po ng doktor, corrected na ang eyesight, hindi na parang lazy eyes which is a good sign,” kuwento ng binata matapos nga ang isinagawang second surgery sa kanyang ina.

“So far, hindi pa kami sure kung kailan siya iri-release from ICU and medyo worried talaga ako sa recovery stage, pagbalik niya po kasi aalagaan ko po talaga siya.

“I’m not sure kung ano ang magiging effects, kasi sa right side ng brain niya yung clot.

“Sabi po it affects behavior, and du’n po ako nanghihinayang talaga because that’s my mom,” ang malungkot at nag-aalala pang pahayag ng isa sa young cast members ng “Legal Wives.”

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Abdul sa lahat ng mga tumutulong sa kanilang pamilya, kabilang na nga ang mga kasamahan niya sa GMA.

Kabilang sa mga nagbigay ng suporta at tulong sa binata ay ang mga kasamaha niya sa “Legal Wives” tulad nina Dennis Trillo, Andrea Torres, Derrick Monasterio, Ashley Ortega, Shayne Sava at Chanel Latorre.

Nagpasalamat din siya kina Carla Abellena, Benjamin Alves, Jennylyn Mercado, Jeric Gonzales, Kate Valdez, Kim de Leon, Lexi Gonzales at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending