Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya | Bandera

Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya

Ervin Santiago |February 22,2022
facebook
share this

Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 07:43 AM

Shayne Sava at Abdul Raman

MAS naging close pa ngayon ang mga Kapuso youngstars at Sparkle talents na sina Abdul Raman at Shayne Sava.

Puring-puri ng young actress ang pagiging extra sweet at thoughtful ng kanyang ka-loveteam kaya naman mas lalo pa siyang napalapit sa binata.

Sa panayam ng ilang miyembro ng entertainment press sa dalawa kamakailan, inamin ni Shayne na nagbago talaga ang pagkakakilala niya sa binata simula nang maging close sila sa isa’t isa.

“Nu’ng naging close kami, nakita ko na ibang-iba po pala siya sa first impression ko kasi sobrang caring niya. Siya yata yung pinakakilala ko na sobrang caring,” pagbabahagi ng StarStruck Ultimate Female Survivor.

View this post on Instagram

A post shared by 𝑺𝒉𝒂𝒚𝒏𝒆 𝑺𝒂𝒗𝒂 (@shaynesava)


Plus pogi points daw talaga sa kanya ang ginagawang pag-aasikaso sa kanya ni Abdul kapag nagkakasama sila, lalo na kapag nagtatanong ito kung kumain na siya.

Nu’ng minsan nga raw ay ikinagulat niya nang biglang dumating ang aktor sa isang lugar na kinaroroonan niya na may dalang food na personal pa niyang binili para sa kanya.

“‘Kumain ka na ba? Papadalhan kita ng pagkain.’ Ganu’n po siya. Sobrang thoughtful po talaga. Inorderan niya ako ng pagkain. From Marikina to Pasig, dinala niya sa akin, naka-bike lang siya,” kuwento pa ng dalaga.

“Sabi ko nga, ‘Hala, grabe ‘yung effort niya for me.’ Sobrang na-appreciate ko po talaga si Abdul,” dagdag pa ni Shayne.

Hindi rin daw nakalimot si Abdul na kumustahin ang kalagayan niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“Tinatanong niya po ako lagi kung kamusta na po ako and sobrang naappreciate ko ‘yon kasi pandemic noon ta’s wala kang kausap,” sabi pa ng aktres.

Reaksyon naman ni Abdul, ginawa raw niya iyon dahil nag-aalala talaga siya kay Shayne lalo na noong marami na ang nahahawa ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Naisip ko lang kasi if I’m struggling then sure, nagsa-struggle din si Shayne. That’s why I was regularly checking on her, making sure she’s all right,” sabi ng binata.

Nito lang nagdaang Valentine’s Day, sinorpresa ni Abdul si Shayne sa pamamagitan ng “samgyupsal date” sa isang napakagandang lugar sa Antipolo.

“Alam n’yo naman si Shayne, tirador ng lahat ng (samgyupsal) sa buong Pinas, so I decided it would be the perfect place para dalhin siya roon.

“Ang hindi niya lang alam, meron akong dala sa kanyang flowers. I just find it sweet na cute ng ngiti, reaction niya when I got her the flowers,” pag-alala ni Abdul.

Pag-amin naman ni Shayne, si  Abdul ang unang lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak sa mismong Araw ng mga Puso at nagyaya sa kanya ng Valentine date.

“Good food and good conversations. Super enjoy and with Abdul pa,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan, isa ang loveteam nina Shayne at Abdul sa limang Sparkle sweethearts na ipinakilala ng GMA last week. Magkakasama muli ang dalawa sa upcoming kilig serye ng GMA na “Raising Mamay” kung saan makakasama nila ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Shayne Sava 2 beses nang tinamaan ng COVID-19: Matindi yung una, pero ngayon hindi na ganu’n kagrabe

StarStruck Avenger Abdul Raman nanghihingi ng tulong para sa na-stroke na ina: I am desperate…

Abdul Raman nag-aalala pa rin sa inang na-stroke; Kapuso stars tumulong sa pagbabayad sa ospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending