StarStruck Avenger Abdul Raman nanghihingi ng tulong para sa na-stroke na ina: I am desperate…
HUMIHINGI ngayon ng tulong-pinansiyal ang Kapuso actor at StarStruck Avenger na si Abdul Raman para sa kanyang nanay na may karamdaman.
Na-stroke nito lang July 12 ang ina ng binatang aktor at nangangailangan sila ng malaking halaga para sa pagpapagamot nito at pagkaka-confine sa ospital.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Abdul ng mensahe para sa lahat ng gustong tumulong at magbigay ng financial assistance sa kanilang pamilya.
“Hello po sa lahat ng mga friends and families ko, this is the first and only time na mag po post po ako ng ganito,” simulang pahayag ng Kapuso youngstar sa kanyang FB status.
“Yesterday my mom had a stroke and was immediately brought to 3 hospitals, the first 2 were over capacity, after the CT scan na laman po namin na may namuo na pong blood clot sa ulo niya.
“I was at the taping for my show at the time, pauwi pa lang po ako and I haven’t seen my mom in almost a month,” sabi pa ng binata.
Kasunod nga nito ay lakas-loob na nanawagan ng donasyon si Abdul para sa mga babayaran nila sa ospital at panggastos sa mga gamot ng ina.
“Just today (July 13) natapos na po operation niya sa ulo and everything went well, but according to the doctor due to the nature of operations in the head, she will never be the same as before.
“I am desperate and in dire need of everyone’s help who is willing po, and I am willing to sell my personal belongings to pay for the hospital bills (I cannot post any picture or video of my mom in the hospital since bawal po).
“I will be posting my personal GCASH account here para sa mga gusto po tumulong,
“And again, this is hopefully the only time I’d need to do this, maraming salamat po sa inyo lahat,” ang pakiusap pa ng young actor.
Sa mga nais tumulong, maaari n’yong bisitahin ang official FB page ni Abdul Raman at naroon ang GCash at detalye ng kanyang bank account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.