Vice, Anne maglalaban sa 'Family Feud' season 2; Dingdong bet maging contestant kapag si Marian ang host | Bandera

Vice, Anne maglalaban sa ‘Family Feud’ season 2; Dingdong bet maging contestant kapag si Marian ang host

Ervin Santiago |September 25,2023
facebook
share this

Vice, Anne maglalaban sa ‘Family Feud’ season 2; Dingdong bet maging contestant kapag si Marian ang host

Ervin Santiago - September 25, 2023 - 11:06 AM

Vice, Anne maglalaban sa 'Family Feud' season 2; Dingdong bet maging contestant kapag si Marian ang host

Vice Ganda, Dingdong Dantes at Anne Curtis

KASADO na sana ang guesting ng mga “It’s Showtime” hosts sa season 2 ng “Family Feud” ng GMA 7 pero balitang nagkaroon daw ng aberya sa schedule.

Sa darating na October 2 na ang simula ng bagong season ng naturang Kapuso game show hosted by the one and only GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

Napag-alaman ng BANDERA na maglalaban ang Team Vice Ganda at Team Anne Curtis sa isang espesyal na episode ng “Family Feud” sa pagpasok ng ikalawang season ng programa.

Ngunit nagkaroon nga raw ng problema sa schedule kaya hindi pa ito mangyayari sa first week ng show. Hinahanapan pa raw ng bagong schedule ang grupo nina Vice at Anne kaya wait na lang tayo kung kailan ito mangyayari.

Ayon kay Dingdong, looking forward din siya sa guesting ng mga hosts ng “Showtime” dahil siguradong marami ang mag-aabang at tututok dito, lalo pa’t magiging magkalaban sina Vice at Anne.

Bukod dito, excited ding ibinalita ng husband ni Marian Rivera na magkakaroon din sila ng “Family Feud” kids edition at bubuksan na rin nila ang programa para sa lahat ng nais sumali at maglaro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Aminado rin si Dingdong na super na-miss niya ang “Family Feud” na nagkaroon nga ng season brake, “Sobra, na-miss ko siya, pero parang hindi rin.

“Kasi, kahit saan ako pumunta, pinapaalala nila. Tinatanong nila kung kailan ba babalik? Kapag nakikipag-kuwentuhan ka na, ibinabalik nila ang mga question ng ‘Family Feud.’

“Kaya it only means something na hinahanap talaga nila. At indicator ko, ‘yung mga magulang ko, ang mommy at daddy ko.

Baka Bet Mo: Boy, Gerald, Arci, Ben&Ben, Ice, Matet kumasa sa hamon ni Dingdong, bakbakan sa 1st anniversary ng ‘Family Feud’

“Bihira lang silang mag-text sa akin, pero, dalawa lang ‘yan. Ang tanong nila sa akin, ‘Sino ang pumatay kay Gustavo?’ at saka, ‘Kailan babalik ang Family Feud?’ Hindi man lang, kamusta ka anak?'” ang natawang pahayag ng aktor at TV host.

Kung may gusto raw siyang maglaro sa “FF” sa mga susunod nilang episode, yan ay ang pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang kambal nilang anak na sina Cassy at Mavy (na nag-guest na noon at nag-viral pa dahil sa sagot niyang hotdog).

Wish din ni Dingdong na makapaglaro sa show ang tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.

At kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto rin ni Dong na maging contestant sa “Family Feud” kasama ang mga pinsan niyang sina Carlo Gonzalez at Arthur Solinap.

Isa-suggest naman niya na pumalit sa kanya pansamantala bilang host ang wifey niyang si Marian o kaya’y si Michael V.

In fairness naman kay Dong talagang hataw kung hataw ang pagtatrabaho niya ngayong taon. Katatapos lang ng primetime series niyang “Royal Blood” last Friday at sa darating na Monday naman ay tuloy ang work niya para sa “Family Feud.”

Aside from this, meron pa siyang “The Voice Generations” at “Amazing Earth.” Dagdag pa ang pagsisimula ng shooting nila ni Marian para sa 2023 Metro Manila Film Festival movie nilang “Rewind.”

At dahil nga rito, inamin ni Dong na nagkasakit siya recently pero okay na siya ngayon, “Honestly, noong nalaman ko na ito ang magiging 2023 ko, noong una, nakaka-shock siya. Nangyari, patapos na rin ang taon in three months. Nagkataon lang.

“Nagkasakit tayo few days ago, akala ko matatapos ko ang lahat ng ito without getting sick. Pero, nangyari and I think, aabot at aabot.

“Fortunately, okay naman, I came out a bit alright. Nagkaroon lang ng konting aberya, pero okay naman, nagawan ng paraan. Ngayon, well-rested na at marami akong baong energy,” aniya.

Siniguro naman ng aktor at TV host na kahit sobrang busy, naglalaan pa rin siya ng quality time para sa mga anak na sina Zia at Sixto. May couple time rin daw sila ni Marian.

Boy Abunda takot na takot mag-guest sa ‘Family Feud’ ni Dingdong: Baka kasi lumabas ‘yung pagkatanga ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending