Shayne Sava tuloy ang pagtulong sa pamilya, pinag-aaral din ang mga kapatid: 'Gusto ko rin pong mag-aral ng Journalism' | Bandera

Shayne Sava tuloy ang pagtulong sa pamilya, pinag-aaral din ang mga kapatid: ‘Gusto ko rin pong mag-aral ng Journalism’

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Shayne Sava tuloy ang pagtulong sa pamilya, pinag-aaral din ang mga kapatid: ‘Gusto ko rin pong mag-aral ng Journalism’

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 07:15 AM

Shayne Sava tuloy ang pagtulong sa pamilya, pinag-aaral din ang mga kapatid: 'Gusto ko rin pong mag-aral ng Journalism'

Shayne Sava at ang iba pang Sparkle artists na bibida sa ‘Regal Studio Presents’

IN FAIRNESS, talagang may solid followers na ang “Regal Studio Presents” ng GMA 7 at Regal Entertainment dahil two years na itong namamayagpag sa ratings game.

Simula ngayong Linggo ng hapon, September 24, mga bagong episodes na ang mapapanood ng mga Kapuso viewers bilang bahagi nga ng pagpasok sa ikatlong taon ng programa.

Sa unang pasabog ng anniversary special “Regal Studio Presents” ngayong araw, bibida sina Lianne Valentin at Royce Cabrera sa episode na pinamagatang “I Love You Bien.”

Siguradong ibang putahe na naman ang matitikman sa “I Love You Bien” dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal nga ang dalawa sa mga promising Sparkle artists.

Next month, magte-taping naman sina Shayne Sava at Dustin Yu para sa episode na “Mother, Mother, Where Are You”. Yes, hindi na muna si Abdul Rahman ang makakatambal ng StarStruck Ultimate Female Survivor sa kanyang bagong project.

Wala naman daw problema sa dalaga kung ipartner muna siya sa ibang aktor dahil tiwala siya sa mga desisyon ng Sparkle at ng mga bossing ng GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shayne Kirsten (@shaynesava)


Sa naganap na presscom para sa anniversary celebration ng “Regal Studio Presents” natanong si Shayne kung anu-ano ang mga nagbago sa kanyang buhay at career after manalo sa “StarStruck” noog 2019.

Ayon sa aktres, medyo naging maayos na ang buhay ng kanyang pamilya, “Tuluy-tuloy po ang pag-support ko sa kanila, lalo na po sa mga kapatid ko na pinapaaral ko din po.

“Tinutulungan ko rin po si Mama sa financial. Ayun po, grabe po ang StarStruck days kapag naalala ko.

Baka Bet Mo: Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa ‘Raising Mamay’

“Ayun po, sobra po akong thankful ko po sa StarStruck dahil yun po yung stepping stone ko po na kung bakit ako nandito ngayon,” kuwento ni Shayne.

Pangarap din daw niya na makapagtapos ng kursong may kinalaman sa Psychiatry o Journalism dahil gusto niya raw pasukin ang broadcasting.

“Kung magkakaroon po ako ng chance and time po para ma-finish ko po yung schooling ko, gagawin ko po talaga. I really love studying at gusto ko pong makapagtapos ng pag-aaral,” chika ni Shayne.

Samantala, talagang namili raw ang Regal at GMA ng mga Kapuso stars na swak sa bawat anniversary episode ng programa.

Ayon kay Direk Joey Reyes sa mediacon ng “Regal Studio Presents”, ang mga kinukuha nila ay hindi talaga kilalang magka-loveteam.

“I think yung adventure of mixing people who are not necessarily branded as love teams can be very exciting.

“Dito masusukat din kung gaano sila kagaling at makikita mo rin yung chemistry sa isa’t isa na hindi yung ipinagtambal lamang ng studio.

“Kung minsan, makakatsamba ka na pinagsama yung dalawa na, most unlikely, yun pala ang ganda ng chemistry pagdating sa audience. Aminin din natin na kung kayo ang magkasama, may sawa factor din, di ba?” aniya pa.

Agree rin sa sinabi ng award-winning director ang Regal Films executive na si Roselle Monteverde at GMA boss na si Joey Abacan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Sabi ni Roselle, “Mahirap din kasi kung pareho na makikita mo sila palagi na magkasama. So, nagiging predictable masyado yung istorya pag ganun. Kaya nag-e-explore kami na magsama sila na hindi as a loveteam.

“At saka mas kasi, hindi nata-typecast lagi ang role sa isang artista kung hindi love team,” aniya pa.

Para naman kay Joey, “What we want, our actors are going to be actors. Kung titingnan mo, lahat sila nagsama-sama na. Merong nagkaroon sila Yasser Mata at si Lexi Gonzales, si Yasser at si Althea Ablan. Ang taas ng rating niyan.

“Ang ibig sabihin, ang kinakagat because of the story and the way they are acting. Hindi yung parang ano… because there’s a love team. May kilig-kilig and everything. Parang we’d like to train our actors as actors,” sabi pa ng GMA executive.

Ruru mas napalapit pa ngayon kay Kylie: Parang hindi kami nawalay sa isa’t isa…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ken, Sanya may bagong alay kay Kuya Germs: Feeling namin patuloy pa rin niya kaming mina-manage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending