Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa 'Raising Mamay' Bandera

Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa ‘Raising Mamay’

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Shayne Sava nagpapagawa na ng bonggang bahay para sa pamilya; umaani ng papuri sa ‘Raising Mamay’

Ervin Santiago May 25, 2022 - 06:40 AM

Shayne Sava

TODO ang ginagawang pagsisipag ngayon sa trabaho ng Kapuso young actress at StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava.

Nagpapagawa kasi ng bahay ang dalaga para sa kanyang pamilya na matagal na niyang pinapangarap kaya naman talagang gagawin niya ang lahat para rito.

Napapanood ngayon si Shayne sa GMA Afternoon Prime series na “Raising Mamay” kasama ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at mas lalo raw siyang ginaganahan ngayong mag-work dahil sa mga papuring tinatanggap niya mula sa mga manonood.

Kuwento ni Shayne sa panayam ng GMA, lagi lang daw silang nangungupahan noon at walang permanenteng bahay kaya naman nagpursige siyang makaipon para makapagpundar ng sarili nilang tahanan.

“Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi finally mayroon na akong sariling bahay.

“Siyempre, pinapagawa pa po ngayon so hindi pa po kami makakalipat. Pero ayun po, very thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta sa akin,” excited na chika ni Shayne.

Aniya pa, talagang hindi siya gumagastos kung hindi naman kailangang-kailangan, “Ito po ‘yung mga naipon ko na sa mga projects.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shayne Kirsten (@shaynesava)


“‘Yung napanalunan ko po sa StarStruck, nagamit ko na ‘yun during pandemic kasi siyempre walang work, natengga tayo for ilang months,” sabi pa ng Kapuso youngstar.

Samantala, nagkuwento rin si Shayne tungkol sa nanay niya sa seryeng “Raising Mamay”, “Binibigyan niya ako ng fruits, ng mga watermelon kasi parehas po kaming mahilig sa mga prutas.

“Parang nanay po talaga siya sa akin. Until now, nagkukumustahan kaming dalawa. Sobrang thankful po talaga ako na nakilala si Mamay in person,” pahayag ni Shayne patungkol sa veteran comedienne.

Sa ngayon, puro papuri at positibong komento ang natatanggap ni Shayne dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa “Raising Mamay.”

Sa kuwento, gumaganap si Shayne bilang anak na nagsasakripisyo para sa kanyang inang nagkaroon ng regressive behavioral disorder dahil sa severe traumatic brain injury.

Nagmistulang ina nga ang karakter ni Shayne na si Abigail dahil ito na ang tumayong tagapangalaga ng ina niyang si Letty sa murang edad. Adoptive mom ni Abigail si Letty na ginagampanan ni Ai Ai.

Ang nakabaril naman sa ulo ni Letty ay ang tunay na ina ni Abigail, ang kilalang TV host na si Sylvia Renacia na ginagampanan naman ni Valerie Concepcion.

Shayne Sava relate na relate sa mga hugot scenes sa ‘Raising Mamay’; may inamin tungkol kay Ai Ai

Shayne kinilig sa paandar ni Abdul: From Marikina to Pasig dinalhan niya ako ng food, naka-bike lang siya

Luis: Alam n’yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending