Ruru mas napalapit pa ngayon kay Kylie: Parang hindi kami nawalay sa isa't isa... | Bandera

Ruru mas napalapit pa ngayon kay Kylie: Parang hindi kami nawalay sa isa’t isa…

Ervin Santiago |January 30,2022
facebook
share this

Ruru mas napalapit pa ngayon kay Kylie: Parang hindi kami nawalay sa isa’t isa…

Ervin Santiago - January 30, 2022 - 08:16 AM

Kylie Padilla at Ruru Madrid

MAS naging close pa ngayon ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Kylie Padilla matapos ang kanilang reunion Kapuso project na “Regal Studio Presents.”

Pagkatapos ngang mamahinga ang tambalan nilang KyRu, muli silang pinagtambal ng GMA 7 at Regal Entertainment para sa unang pasabog ng “Regal Studio Presents” ngayong 2022 ma may titulong “My Fairytale Hero.”

Unang sumikat ang tambalan nina Ruru at Kylie sa “Encantadia” noong 2016 na sinundan pa ng ilang Kapuso series kabilang na ang romantic-comedy series na “Toda One I Love” noong 2019.

Pansamantalang namahinga ang kanilang loveteam nang magkaanak at ikasal na si Kylie kay Aljur Abrenica. Kaya nang mabalitang may reunion project ang KyRu, talagang nagpiyesta ang kanilang mga loyal fans.

Kuwento ni Ruru, mas naging close pa raw sila ngayon ni Kylie habang nasa taping ng “Regal Studio Presents.”

“Grabe kuwentuhan agad kami na parang kahapon lang magkasama kami na tipong parang hindi kami nawalay sa isa’t isa. 

“So nu’ng nag-taping kami magkasama kami all the time, ang dami naming napag-usapan,” pahayag ng hunk actor sa panayam ng GMA 7.

Kasunod nga nito, nabanggit ng binata na mas lumalim pa ang friendship nila ni Kylie makalipas ang ilang taon. Mas naging mature na rin daw ang pananaw at mga prinsipyo nila sa buhay.

“Pinag-usapan nga namin ni Kylie, feeling ko kasi somehow dati naaapektuhan ang pagkakaibigan namin kasi meron kaming someone na parang kinakailangan naming dumistansya sa isa’t isa nang kaunti para at least walang issue or hindi na maging big deal,” sabi pa ng aktor.

At para patunayan nga na mas nag-level up na ang kanilang relasyon as friends, gumawa sila ni Kylie ng isang matapang na vlog kung saan nasaksihan ng kanilang fans ang  sweetness at pagiging totoo nila sa isa’t isa.

Sa nasabing YouTube video ni Ruru, napakarami nilang rebelasyon tungkol sa kanilang relasyon bilang espesyal na magkaibigan.

“Ang sobrang nagustuhan ko sa ‘yo (Kylie), parang wala kang arte. Never kitang nakitang umarte. Kapag sinabi ni direk, humiga ka sa sahig, hihiga ka. 

“Kapag minsan, inaabot na tayo ng umaga pero never kang nagreklamo,” sey ni Ruru patungkol sa aktres habang ginagawa ang “Regal Studios Presents: My Fairytale Hero.”

“Alam mo, pagod na ako noon, nagtatanong na ako ng breakdown kung ilang scenes pa ang gagawin tapos ikaw, sabi mo sa akin, at hindi ko yun makakalimutan, ‘Kahit madami pa. Gusto ko ‘yung ginagawa ko, eh.’ Sobrang natuwa ako sa ‘yo roon.

“Every time na nagkaka-work tayo, hindi pwedeng hindi mo ako ma-inspire sa kung paano ‘yong pagtatrabaho mo,” pahayag pa ng hunk actor.

Isa pa raw sa kapuri-puri kay Kylie ay ang pagiging professional nito noong nagkasama sila sa 2016 remake ng “Encantadia” dahil kahit napakahirap at nakakapagod ang mga mga eksena nila ay never siyang nagreklamo.

“Never kitang narinig na nagreklamo kahit pagod ka na. Ang dami nating fight scenes, ang dami mong iyakan scenes pero never ko narinig sa ‘yo na, ‘Uwi na tayo. Pagod na ako.’”

Paliwanag ni Kylie, “Ang saya ko lang na nandoon ako. Kahit pagod ako, ang saya. Gusto ko ‘yong buong process, feeling ko kasi lahat ng character na ginampanan ko, love na love ko. Mahal na mahal ko talaga sila so ibibigay ko lahat.”

Sabi naman ni Ruru, “Malaking factor sa buhay natin ang isa’t isa. Kung ‘di dahil sa isa’t isa wala rin tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Lagi kong sinasabi sa ‘yo na, ‘Ky, I will always care for you.’ Every time na may ginagawa tayo, pinapa-feel ko sa ‘yo kung gaano kita pinapangalagaan bilang leading lady at bilang kaibigan.”

Ang tanong ng fans, posible nga kaya na sila ang maging magkarelasyon in the future? Na sila pala talaga ang itinadhana? Yan ang dapat nating abangan.

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Samantala, balik lock-in taping na si Ruru para sa kanyang action series na “Lolong.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“From dati na action na, this time buwis-buhay na talaga as in grabe ‘yung action matindi talaga to the point na habang binabasa ko ‘yung script iniisip ko kung paano ko siya gagawin kasi sobrang madugo, sobrang mabusisi. Pero sabi ko mas gusto ko ‘yung na-cha-challenge ‘yung sarili ko e,” kuwento pa ng isa sa walong “brightest stars ng Sparkle.”

Ruru bilib na bilib kay Kylie: Walang arte, walang reklamo…I will always care for you…

Wish nina Ken at Sanya natupad na; ‘Ang Dalawang Ikaw’ ng RitKen tuloy ang paghataw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending