Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: 'Kasi for the longest time, kami yung magkasama' | Bandera

Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: ‘Kasi for the longest time, kami yung magkasama’

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: ‘Kasi for the longest time, kami yung magkasama’

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 07:15 AM

Amy Perez nasaktan nang magdesisyong iwan siya para magsolo na sa buhay: 'Kasi for the longest time, kami yung magkasama'

Amy Perez

NAPAKASAKIT para kay Amy Perez nang dumating na ang araw na kinatatakutan niya — yan ay ang pag-alis ng kanyang anak sa kanilang tahanan para makapagsolo na.

Hindi naging madali para sa TV host at aktres ang tanggapin na kailangan na siyang “iwan” ng anak na si Adi para maging independent at mamuhay nang mag-isa.

Sa panayam ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz kay Amy na napapanood sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nga ang tungkol sa dilemma ng lahat ng nanay tungkol sa isyu ng “letting go.”

“Dumating siya (Adi) du’n sa point na 21 na siya, so nung nagpaalam siya na gusto niya nang mag-solo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AMY PEREZ (@amypcastillo)


“Ito, habang ginagawa ko ang showtime nang araw-araw, ha, na hindi alam din ng mga tao na may dagok yun for me, na yung anak ko gusto nang mag-solo.

“So nu’ng sinabi ko yun sa mommy ko, sabi niya, ‘E, bakit? Ikaw din naman, nag-ask ka din naman ng independence mo nung 21 ka.’

“‘Parang pareho lang. So bakit hindi mo yun ibibigay sa anak mo?'” pagbabahagi ng “It’s Showtime” host.

Baka Bet Mo: Advice ni Amy Perez kay Karla Estrada bilang bagong host ng ‘Face 2 Face’: Umpisahan mo ang show bilang ikaw, hindi ako

Ngunit dumating din naman daw yung pagkakataon na natanggap na niya ang naging desisyon ng anak dahil kailangan niyang tanggapin sa sarili na hindi niya kontrolado ang mga pangyayari.

“Hindi naman natin mapipigilan na yun. Kailangan ko rin irespeto yung gusto nu’ng anak ko,” sabi pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AMY PEREZ (@amypcastillo)


Aniya pa, “Siyempre, masakit yun for me, kasi lalo na sa case ni Adi, kasi for the longest time, kami yung magkasama, di ba?

“At alam ko din na may mga times noon nu’ng medyo bata siya, na may mga naging decision ako na hindi niya gusto or nakita niya na nasaktan ako. And yet, nandu’n lang din siya.

“So nu’ng time na nagpapaalam na siya, parang hindi ko matanggap na parang, ‘Ha? Ba’t siya aalis?

“Ba’t siya magsasolo? May kulang ba sa akin? May mali ba?'” ang tanong pa ni Amy sa kanyang sarili noon.

Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea ayaw pang magdyowa uli: Gusto kong mag-isa muna para pag dumating yung next, all-out ulit!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending