Andrea ayaw pang magdyowa uli: Gusto kong mag-isa muna para pag dumating yung next, all-out ulit! | Bandera

Andrea ayaw pang magdyowa uli: Gusto kong mag-isa muna para pag dumating yung next, all-out ulit!

Ervin Santiago |March 30,2021
facebook
share this

Andrea ayaw pang magdyowa uli: Gusto kong mag-isa muna para pag dumating yung next, all-out ulit!

Ervin Santiago - March 30, 2021 - 09:34 AM

KUNG maligayang-maligaya si Derek Ramsay ngayon sa piling ni Ellen Adarna, mukhang dedma naman muna sa mga lalaki ang ex dyowa niyang si Andrea Torres.

Hindi pa handang pumasok sa bagong relationship ang dalaga matapos ang break-up nila ni Derek ilang buwan na ang nakararaan.

“Ako, hindi pa. Parang gusto ko kasi, usually gusto ko kapag ganito, binibigyan ko talaga ng time yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapag dumating yung next, all-out ulit,” paliwanag ng dalaga sa guesting niya sa “The Boobay Ang Tekla Show” (TBATS) sa GMA last Sunday.

Sa tanong kung anong level ba yung sakit na naramdaman niya noong mabigo siya sa pag-ibig,  “Actually, hindi ko malalagyan ng level kasi kapag ano, nagmahal ka naman nang totoo, kasama yun, di ba?”

Isang diretsahang “wala” naman ang sagot ni Andrea nang tanungin kung nakaramdam na siya ng selos nang malaman niyang may bago nang dyowa si Derek.

Aminado naman siya na may panghihinayang kahit paano sa mga hindi kagandahang nangyari sa buhay niya last year, “Meron, sa oras na nawala sa atin noong COVID-19 (pandemic) ‘di ba, ‘yung mga planong hindi natuloy. Ang dami kaya.

“Ako, ang dami kong mga… ‘yung parang noong start pa naman ng 2020, yung sinabi mo na talaga na ‘This is it! Ito ‘yung mga gagawin ko,’” dagdag pa niya.

Nang kumustahin naman nina Boobay at Tekla si Andrea tungkol sa mga lalaking nais manligaw sa kanya, mukhang hindi pa talaga handa ang dalaga sa bagong commitment.

Sinundan ito ng tanong tungkol sa naging “past” nila ng Kapuso host-comedian na si Sef Cadayona. May tsismis kasi na balak daw manligaw uli ang binata sa kanya.

“All out kasi ako, e. All out ako sa relasyon so kapag dumating sa point na kumalas na, alam ko sa sarili ko na nasagad ko na. So okay na,” tugon ni Andrea.

Sa isang panayam kay Sef, baka raw malabong ligawan niya uli si Andrea, “Hindi ko masasabing ligawan. Reconnect. Pwedeng reconnect.

“Happy naman kami ngayon as friends, e, at saka nakakapagkuwentuhan kami paminsan-minsan,” aniya pa.

Sinabi rin naman ni Andrea na magkaibigan talaga sila ngayon ni Sef, “Oo, masasabi kong, oo, friends na kami ngayon talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “May time kasi na matagal kaming hindi nag-usap, e. Pero ngayon, okay na. Paminsan, kapag may itatanong, or kung meron lang siyang nakita na something na ewan ko, very random lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending