Maricel game makipag-collab kina Nora, Vilma at Sharon; gusto ring makatrabaho sina Joshua, Daniel at Enchong | Bandera

Maricel game makipag-collab kina Nora, Vilma at Sharon; gusto ring makatrabaho sina Joshua, Daniel at Enchong

Ervin Santiago |September 24,2023
facebook
share this

Maricel game makipag-collab kina Nora, Vilma at Sharon; gusto ring makatrabaho sina Joshua, Daniel at Enchong

Ervin Santiago - September 24, 2023 - 07:15 AM

Maricel game makipag-collab kina Nora, Vilma at Sharon; gusto ring makatrabaho sina Joshua, Daniel at Enchong

Maricel Soriano, Joshua Garcia at Daniel Padilla

GAME na game ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano na makipag-collab kina Megastar Sharon Cuneta, Star for All Seasons Vilma Santos at Superstar Nora Aunor.

Kung mabibigyan ng chance, gustung-gusto ni Maria na makatrabaho sa isang bonggang-bonggang teleserye o pelikula ang mga kapwa niya icon ng Philippine showbiz.

Sa presscon na in-organize ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment para kay Maricel bilang bagong member ng cast ng “Pira-Pirasong Paraiso”, natanong nga ang award-winning actress tungkol dito.

“Silang lahat kasi malaki ang respeto ko sa kanila. Nirerespeto ko si Ate Guy at Ate Vi, siyempre nirerespeto ko rin si Shawie. Wala naman akong masamang record (sa showbiz),” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At kung matutuloy ang mga collab projects na ito, sigurado kaming papatok ito nang bonggang-bongga dahil matagal nang nagre-request ang mga fans na makatrabaho uli ng Diamond Star ang tatlong movie icons.

Baka Bet Mo: Maricel Soriano bukas sa muling pakikipagrelasyon: Kung medyo nakasara ‘yung door, puwede mong i-push tapos sasabihin ko sa ‘yo, ‘hello’

Sa tanong naman kung sinu-sino sa mga youngstars ngayon ang gusto niya ring makatrabaho, may tatlong aktor siyang binanggit.

“Gusto kong makatrabaho si Enchong Dee tapos si Daniel Padilla. Gusto ko ring makatrabaho si Joshua Garcia kasi magaling siya, ha,” ani Maria.

Samantala, sa pagpasok ni Maricel sa  ABS-CBN afternoon teleserye na “Pira-pirasong Paraiso”, abangan ang mga pasabog na eksena at umaatikabong tarayan nila ng kanyang kaibigan at ka-batch na si Snooky Serna.

Ka-join din sa nasabing serye sina Sunshine Dizon, Ronnie Alonte, KD Estrada, Joseph Marco, Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon at Loisa Andalio.

Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay mula sa  Dreamscape Entertainment at unang collaboration project ng ABS-CBN at TV5.

Regine super enjoy katrabaho sina Jolina at Melai; Gary game na game makipag-collab sa mga baguhang artist

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending