Lian Paz binalak mag-OFW para sa mga anak: Naiiyak ako 'pag naiisip ko pa lang | Bandera

Lian Paz binalak mag-OFW para sa mga anak: Naiiyak ako ‘pag naiisip ko pa lang

Therese Arceo |September 22,2023
facebook
share this

Lian Paz binalak mag-OFW para sa mga anak: Naiiyak ako ‘pag naiisip ko pa lang

Therese Arceo - September 22, 2023 - 11:44 PM

Lian Paz binalak mag-OFW para sa mga anak: Naiiyak ako 'pag naiisip ko pa lang
INAMIN ng dating EB Babe member na si Lian Paz na sumagi sa kanyang isip ang mangibang bansa para magtrabaho at makapag-provide para sa kanyang mga anak.

Sa kanyang recent Instagram post ay nagbaliktanaw siys sa mga pinagdaanang hirap noon sa buhay.

Ani Lian, “This day was tiring yet fulfilling. Looking back to the time i was thinking to go out of the country to work para sa future ng mga bata, Waaaahh naiiyak ako inisip ko pa lang.”

Laking pasasalamat rin niya dahil sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay hindi siya pinabayaan ng Diyos.

“Kaya isa to sa napakalaking grasya ng diyos na hindi niya ko hinayaan umabot doon. He always have another plan that will make you a better parent, a better person,” saad ni Lian.

Na-realize rin niya na mabuti na lang at may ibang plano sa kanya ang Diyos at nakakilala siya ng mabubuting tao.

Baka Bet Mo: Lian Paz proud na ibinandera ang achievements nina Xonia at Xalene, bet nang ipatanggal ang apelyido ni Paolo?

“Ngayon ko lang naisip how the lord worked in my life so faithfully, hindi niya ako iniwan kahit kailan, he keeps on pursuing me and with that, I am forever thankful,” sey pa ni Lian.

Nabanggit rin niya na mapagpatawad at mapag-unawa ang Diyos sa kabila ng kanyang mga nagawang kasalanan.

“The lord is compassionate and forgiving, this is what i have learned lately as i continue to seek the lord. The more I know the lord, the more ashamed I am of the sins I have done and How wonderful it is that he accepts you wholeheartedly, no conditions,” sabi pa ni Lian.

“He don’t recall any of it anymore rather, He will encourage you to be more like him.. Glorifying his name as long as we live!
Thank you Lord Jesus!” muling pagpapasalamat niya.

Si Lian ay may dalawang anak kay Paolo Contis na sina Xalene at Xonia.

Sa ngayon ay inaantay na lang niyang mapawalang bisa ang kasal nila ng aktor para makapagpakasal na sila ng kanyang longtime partner na si John Cabahug.

Related Chika:
Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lian Paz masaya sa piling ng fiancé: I love you BERy much!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending