NATANGGAP natin ang text ni Canelar ng Zamboanga City (…3434), at very interesting ang kanyang tanong. What is the proper motorcycle wear? Ang kanyang pag-uusisa.
Marahil, ang nais malaman ni Canelar ay kung anong damit para sa street bike na akma sa mga syudad at lugar na unti-unti nang lumalago.
Pero bakit nga naman daw ang Hells Angles ay hindi naman talaga “properly dressed” kung ang pag-uusapan nga ay kaligtasan o proteksyon. They are not actually racers but tour riders in their small towns, kaya siguro ganoon.
Sila ‘yung patambay-tamay sa mga bar o billiard hall o sila ‘yung nagpaparamdam lang sa mga komunidad. Ang grand prix racers ay may iba-ibang motorcycle clothes.
They can withstand rip-off during high-speed spills, and thus serve as a reliable second skin. Durable pads are built-ins sa kanilang mga balikat, ‘yung iba naman sa braso o siko, tuhod at maging sa mga hita, sa kaso ng mga naka-motocross.
Sa mga naggagalang Harley sa Rockies, ang posisyon dapat ng rider ay para lang nakaupo ng diretso sa barstool at ang suot ay leather jacket, rubberized pants at full or half boots bilang proteksyon sa mga spills.
Ang Harleys’ crash guards ay idinesenyo para sa proteksyon ng mga paa, pero walang garantiya na hindi maususugatan ang meron nito sa panahon ng extreme spills.
Ngayon, tungkol sa kung bakit hindi ganito ang ginagawa ng mga rider sa rural at maging sa urban Mindanao, simple lang ang dahilan: Presyo.
Para makasunod sa kung anong tamang suot sa rider, kailangan ay may pera ka. Bibihira ka makakita dito sa Pinas na ang rider ay naka-leather jacket.
Sa pagmamaneho ng street bikes sa bilis na 60 kph, kaya na ito ng t-shirt lang. Yun nga lang delikado lalo na kung may aksidente. Hindi kayang proteksyunan ng t-shirt ang balat.
Dito sa Metro Manila, kadalasan na suot ng mga rider ay mga light jacket na kulay itim, ‘yung iba rubberized.
MOTORISTA
Mekaniko
AKO po’y tagasubaybay ng Motor section. May alam ba kayong four-stroke mechanic malapit sa Nova, QC? Meron akong KLX 150. Ipinmagawa ko na rin ito sa Serviko, pero ayaw pa ring tumino.
TINTIN
BANDERA
MARAMING mekanino ng four-stroke sa Susano Road, Novaliches. Sunud-sunod ang shops diyan at hindi sila mataas sumingil.
Kaya lang, hindi lahat ng motorcycle repair shops sa Susano Road ay may available na piyesa ng KLX 150. Maaaring ang piyesa ay bilhin mo mismo sa Kawasaki at labor na lang ang bayaran sa repair shops.
MAY reklamo ka ba sa E10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.