Ricci Rivero inulan ng tukso sa PBA Draft 2023: 'Nakapag-laundry na, may itatambak ka na naman sa labahin n’yan!' | Bandera

Ricci Rivero inulan ng tukso sa PBA Draft 2023: ‘Nakapag-laundry na, may itatambak ka na naman sa labahin n’yan!’

Reggee Bonoan |September 19,2023
facebook
share this

Ricci Rivero inulan ng tukso sa PBA Draft 2023: ‘Nakapag-laundry na, may itatambak ka na naman sa labahin n’yan!’

Reggee Bonoan - September 19, 2023 - 12:05 AM

Ricci Rivero inulan ng tukso sa PBA Draft 2023: 'Nakapag-laundry na, may itatambak ka na naman sa labahin n’yan!'

Ricci Rivero

MUKHANG hindi pa nawawala ang irita ng netizens sa basketbolistang si Ricci Rivero dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang bina-bash.

Kaya pala nananatiling naka-off ang comment section ng kanyang Instagram account at pawang sa IG stories lang siya nagpo-post tulad na lang nitong ginanap na PBA Draft nitong Linggo.

Ang stylist na si Ton Lao ang nagbihis kay Ricci na naka-blazer with tie, leather pants at charol shoes o wet look shoes nang dumalo sa PBA Gatorade draft event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


Makikita ang pangalan ng stylist sa IG stories ng aktor at basketball player.

Samantala, base sa PBA Facebook account ay makikitang sinundan ng TV camera si Ricci habang paakyat ng entablado bilang panglima sa ikalawang round para sa Phoenix Super LPG Fuelmasters PBA Season 48.

Binasa namin ang mga komento ng netizens sa post ng PBA.

Sabi ni @How Real, “Brilliantespectacular move akala ko sasayaw ng gento. Congrats.”

Gayun din ang sabi ni @Jhon Armerola, “Brilliant walk.”

Say ni @Carl Nova Platon, “The Laundry man vs Spiderman.”

May mga nagsabi rin ng, “Nakapag laundry na, may itatambak ka na naman sa labahin n’yan, may pambili na s’yang matic na washing machine.”

Baka Bet Mo: Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

Hirit ni @Ronald Joshua Ramos Talagtag, “Brilliant Espectacular move by Phoenix! The Laundry Man.”

At binanggit pa ni @Wynluv B. Ajero ang pangalan ng dating kasintahan ni Ricci, “Andrea Brillantes should be proud hahaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)


Mula kay @Land of Rubber Shoes , “Brilliant pick. Congrats Phoenix!”

Naaliw kami kay @Giannis Angutenkogaupo, “Brillant spin move from the Spin Drier!”

Sabi rin ni @Ento’s Lechon, “The man with a brilliant moves.”

Panunukso ni @JeyDie Aguinaldo Ragasa, “What a brilliant pick by PHX.”

Sa madaling salita, sumikat nang todo si Ricci hindi dahil kilala siyang manlalaro ng UP kundi dahil naging girlfriend niya si Andrea Brillantes base na rin sa mga komento ng netizens.

Kaya ngayong napili si Ricci na maglalaro sa Phoenix Super LPG Fuelmasters ay sana patunayan niya sa lahat na karapat-dapat siya at makakawala na siya sa anino ni Andrea.

Andre Paras pasok na sa PBA: Gusto ko talagang mag-basketball kaya I’m chasing my dreams…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris bina-bash pa rin sa kabila ng pagtulong: Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, galing sa sarili kong bulsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending