Andre Paras pasok na sa PBA: Gusto ko talagang mag-basketball kaya I'm chasing my dreams... | Bandera

Andre Paras pasok na sa PBA: Gusto ko talagang mag-basketball kaya I’m chasing my dreams…

Ervin Santiago - March 16, 2021 - 09:59 AM

PASOK na sa Philippine Basketball Association (PBA) ang Kapuso TV host-actor na si Andre Paras.

Tulad ng kanyang amang si Benjie Paras at nakababatang kapatid na si Kobe, ipagpapatuloy na rin ni Andre ang kanyang pangarap na maging professional basketball player.

Isa ang Kapuso star sa mga napili ng Blackwater sa katatapos lang na PBA Season 46 Rookie Draft na ginanap kamakalawa.

Si Andre, na may taas na 6-foot-4 ang third pick sa third round (27th overall) sa regular draft ng rookie selection. Mismong ang coach ng team na si Nash Racela ang nag-announce ng kanilang mga player.

Siyempre, proud tatay naman si Benjie sa pagpasok ng anak sa PBA na umeksena pa sa ginanap ba zoom conference ng liga na ikinatuwa naman ng kanilang mga kasamahan.

Hindi rin nagpahuli ang nanay ni Andre na si Jackie Forster dahil ipinost pa niya sa kanyang Instagram page ang screenshot at video ng kinunan niyang mga eksena sa ginanap na PBA rookie draft.

Maririnig sa background ang naging reaction ng dating aktres sa pagkakapili kay Andre. Aniya pa sa caption, “So soooo happy for you and proud! Time to put in more work kuya.”

Kilala si Andre bilang cager sa kanyang “rebounding prowess” at “perimeter shooting”. Naglaro siya noong high school para sa La Salle Green Hills at nang mag-college na sa University of the Philippines, sandali rin siyang lumaban para Fighting Maroons.

Pagkatapos nito, nag-transfer siya sa San Beda University para maging bahagi ng school varsity team na lalaban sa National Collegiate Athletic Association (NCAA). Kasunod nito nag-focus na ang binata sa kanyang showbiz career.

Makalipas ang ilang taon, bumalik sa paglalaro si Andre at naging player ng AMA sa PBA D-League at ng Chooks-to-Go Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Challenge Cup.

“The reason why I decided to apply for that (PBA draft) is because I’m chasing my dreams. I’ve always wanted to play basketball,” ani Andre sa panayam ng GMA.

“Showbiz or hosting makes me happy, basketball makes me happy. And at this point sabay pa rin sila, so I have no reason to choose, kasi sabay naman po sila, both make me happy, but there might come a time, when I have to choose and I don’t know the answer to that yet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, I guess, makikita n’yo na lang one day, pagtingin n’yo ng TV, am I on court or kung wala, e, di nasa TV ako. So, you’ll know the answer to that,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending