Piolo Pascual sa kaarawan ng anak na si Iñigo: I’ll always be your No. 1 fan!
AMINADO ang Kapamilya heartthrob at batikang artista na si Piolo Pascual na kahit siya ay bilib na bilis sa one and only son na si Iñigo.
Ibinandera mismo ni Piolo ang kanyang pagkahanga sa isang Instagram post kasabay ang pagdiriwang ng 26th birthday ni Iñigo.
Sa naturang post, makikita ang ilang throwback pictures ng mag-ama at sinabi pa niya na siya ang number one fan ng anak.
“From the time you started in this business 10 years ago, I’ve always known you’re meant for greatness,” wika ni Piolo.
Ani pa ng aktor, “It’ll always be a memorable moment when I perform with you, and I’ll always be your no.1 fan.”
“Happy 26th birthday, my one and only son. Papa loves you so much,” mensahe pa niya.
Baka Bet Mo: Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’
View this post on Instagram
Tumugon naman mismo si Iñigo sa naging birthday greeting ni Piolo at sinabing, “Thank you pa! Love you!”
Makikita rin sa comment section na bumati rin ang ilang kapwa-artista katulad nina Eugene Domingo, Alessandra De Rossi, Lara Quigaman, Bayani Agbayani, Jaya, Geneva Cruz, at marami pang iba.
Samantala, sa IG post naman ni Iñigo ay makikita na nagdiriwang siya ng kanyang birthday sa Italy.
Makikita sa pictures na enjoy na enjoy siyang namamasyal sa Lake Como habang nakasakay sa isang Yate.
Magugunitang lumipad papuntang Italy ang mag-ama para sa show ng “ASAP Natin ‘To” na ginawa sa Milan.
View this post on Instagram
Kung maaalala noong nakaraang taon lamang ay bumida si Iñigo sa American series na may titulong “Monarch.”
Ginagampanan niya riyan ang role ng isang 18-year-old boy na si Ace Greyson na nangangarap na maging country star.
Related Chika:
Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.