Ogie sa sex life nila ni Regine: 'Ang sabi ng pastor namin, sa mag-asawa, kailangan at least 4 times a week' | Bandera

Ogie sa sex life nila ni Regine: ‘Ang sabi ng pastor namin, sa mag-asawa, kailangan at least 4 times a week’

Ervin Santiago |September 17,2023
facebook
share this

Ogie sa sex life nila ni Regine: ‘Ang sabi ng pastor namin, sa mag-asawa, kailangan at least 4 times a week’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:42 AM

Ogie sa sex life nila ni Regine: 'Ang sabi ng pastor namin, sa mag-asawa, kailangan at least 4 times a week'

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

GAME na game na nakipagchikahan ang Ultimate Singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa ilang miyembro ng entertainment media nitong nagdaang Miyerkules, September 13.

Ito’y para sa nalalapit niyang bonggang-bonggang show titled, “Ogieoke, The Concert” na gaganapin sa Sept 29, sa Newport Performing Arts Theater.

Isa sa mga natanong sa singer-actor at TV host ay ang tungkol sa 12-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programa nilang “It’s Showtime“.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


Bukod dito, nagkuwento rin si Ogie sa mga latest ganap tungkol sa personal life nila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Ayon kay Ogie, hindi naman daw masyadong affected ang “It’s Showtime” family sa mga isyung kinasasangkutan nila ngayon, same-same energy pa rin ang ipinakikita ng buong production lalo na si Vice Ganda.

“Hindi mo mapapansin na may something. In fact, napansin ko, si Vice lately has been so energized. Okay kami, okay kami,” paliwanag ng singer-songwriter.

Matagal-tagal ding nawala si Ogie sa “It’s Showtime” dahil nanggaling siya sa Amerika at Canada para sa “Kilabotitos” concert tour nila ni Ian Veneracion. Last Monday siya bumalik sa Pilipinas at nag-report na siya sa noontime show ng Tuesday hanggang Thursday.

Baka Bet Mo: Baron pwedeng maging pastor at professor ngayong graduate na ng Theology; magpapatayo rin ng sariling simbahan?

Last Friday ay umalis na uli siya patungong Hong Kong kasama ang kanyang pamilya para sa isang short vacation kasabay na rin ng kanyang late 56th birthday celebration (August 27).

Pagkatapos nito ay lilipad naman siya patungong Honolulu, Hawaii para sa ilan pang natitirang tour ng “Kilabotitos.” Sey ni Ogie umuwi lang siya last week para sa promo ng “Ogieoke, The Concert”.

Samantala, pati nga ang sex life nila ni Regine ay napag-usapan sa presscon ng “Ogieoke”. Mismong siya na ang nagkuwento kung gaano sila kadalas mag-sex ni Ate Regs.

“Alam mo ang sabi sa amin ng pastor namin, eto tototo ‘to ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, 4 times a week,” sey ni Ogie. Pero inamin niyang, “Mahirap ‘yon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


“Pero I guess, ine-emphasize lang siguro ng pastor namin na kailangan siya (sex), kailangan siya sa pag-aasawa,” aniya pa.

Pero nasusunod ba nila ang 4x ang week na paglalabing-labing? “Feeling ko, hindi. Kasi, alam mo ba, alas-nueve, tulog na ako?”

Morning person at early riser din daw siya habang si Regine ay late na raw natutulog, kaya madalas wala nang nangyayaring “kalabitan.”

Tungkol naman sa magaganap na “Ogieoke The Concert”, sinuguro ni Ogie na mag-e-enjoy nang bonggang-bongga  ang mga manonood lalo na yung mga adik sa videoke.

Aniya, halos buong show na ididirek ni Paolo Bustamante, ay mala-videoke ang style at concept at ang kakantahin ni Ogie ay ang mga madalas kinakanta ng mga Pinoy sa videoke bar.

Kabilang sa mga kakantahin ng singer-actor ay ang “My Way” (kahit na sinasabing may dala itong kamalasan sa mga kumakanya sa videoke) at ang super hit na “Bakit Ngayon Ka Lang?”

Bukod dito, chika pa ni Ogie, “Marami akog surprise guests. Actually ang naka-line up sa poster ay mga totoo kong guests, si Lara Maigue at Gian Magdangal. Pero ang ibang mga guest, hindi ko ia-announce!”

Mabibili ang mga tiket sa halagang Platinum P7,800 (Platinum), P6,500 (SVIP), P5,500 (VIP), P4,000 (Gold), P2,500 Silver, P1,000 Bronze. For ticket reservations, just contact Jhayr dela Cruz at 09178189847, or Raf Sangco at 09178079387. There will be a meet and greet after the show for those holding Platinum, SVIP and VIP Tickets.

Pokwang super agree sa pastor na nambasag sa mga iresponsableng mister: ‘Tabi-tabi po, real talk lang po…tamaan wag magagalit’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending