Pokwang super agree sa pastor na nambasag sa mga iresponsableng mister: 'Tabi-tabi po, real talk lang po…tamaan wag magagalit' | Bandera

Pokwang super agree sa pastor na nambasag sa mga iresponsableng mister: ‘Tabi-tabi po, real talk lang po…tamaan wag magagalit’

Reggee Bonoan - September 05, 2023 - 08:05 AM

Pokwang super agree sa pastor na nambasag sa mga iresponsableng mister: 'Tabi-tabi po, real talk lang po…tamaan wag magagalit'

Pokwang

“TEACH them how to become good fathers and good husbands.” Yan ang payo ng isang pastor sa lahat ng mga magulang hinggil sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Super agree naman diyan ang TV host-comedienne na si Pokwang na siyang nag-post sa kanyang social media ng viral video ni Pastor Ed Lapiz na nagbibigay ng advice patungkol sa mga “iresponsableng husbands.”

Sandamakmak na netizens ang nagkomento sa nasabing video at halos lahat ay sumang-ayon sa sinabi ng pastor na nagsisimula talaga sa loob ng bahay ang pagtuturo sa mga kabataan ng kagandahang-asal at pagrespeto sa kapwa.

Sa naturang video, nanawagan si Pastor Ed Lapiz sa mga magulang, lalo na sa mga nanay, na habang bata pa lamang ang mga anak na lalaki ay pangaralan nang gumalang sa mga kababaihan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Itong mga iresponsableng husbands ngayon, pinalaki ng mga nanay nila ‘yan na ganyan. Eighty percent (80%).

“Ang lagi nating dapat ituro sa bahay kapag may mga batang lalaki, teach them how to become good fathers and good husbands,” ang mariing pahayag ng pastor.

Patuloy pa niya, “Kasi kapag nakinig kayo sa lahat ng problema ng tao sa Pilipinas halos 4 yata out of 5 na babae iniiwan ng asawang lalaki.

Baka Bet Mo: Baron pwedeng maging pastor at professor ngayong graduate na ng Theology; magpapatayo rin ng sariling simbahan?

“Tapos iniiwan na may mga anak na palalakihin. Bahala ka na sa buhay mo. Mga girlfriend na bubuntisin bahala ka na sa buhay mo.

“We must teach our men to become men because Forever boys. So maraming mga bahay yung mga batang lalaki basketball to death maghapon.

“Uuwi nagtututong mga medyas sa dumi lalabhan ni Ate. Tapos pagod na pagod, aakyat ‘Anong pagkain?’ Nagluluto si Ate saka si Nanay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“So you will create another generation of spoiled men who will become irresponsible husbands,” paglalahad pa ni Ed Lapiz.

Ang inilagay namang caption ni Pokwang sa ipinost na video ng pastor ay, “Tabi tabi po….. real talk lang po….. tamaan wag magagalit…. (laughing face emoji).”

In fairness, sumang-ayon naman dito ang mga IG followers ni Pokie.

“Tama lahat…. ang Mother pag nagsilang ng anak hangang kamatayan na ang pag aalaga nila.”

“Pastor Ed Lapiz is the most genuine pastor I have ever met. He does not sugarcoat the truth. If you’re offended, it simply means you’re guilty.”

“Tatay ko at mga kapatid kong lalaki marunong maglaba, magluto, maglinis ng bahay at hindi sila nang-iwan ng mga anak at asawa nila.. good job sa nanay at tatay ko!”

“How your children turned out as an adult is what you’ve taught and instilled in them while growing up.. Education begins at home. Repetitive is education.”

Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending