Bea Alonzo lumafang ng fishball at kwekwek habang nasa shooting, ininggit si Dominic Roque: 'Favorite mo Hun, oh!' | Bandera

Bea Alonzo lumafang ng fishball at kwekwek habang nasa shooting, ininggit si Dominic Roque: ‘Favorite mo Hun, oh!’

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

Bea Alonzo lumafang ng fishball at kwekwek habang nasa shooting, ininggit si Dominic Roque: ‘Favorite mo Hun, oh!’

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 11:35 AM

Bea Alonzo lumafang ng fishball at kwekwek habang nasa shooting, ininggit si Dominic Roque: 'Favorite mo Hun, oh!'

Bea Alonzo

“YAN ang tunay na QUEEN, walang kaarte-arte!” Isa lamang iyan sa mga comment ng netizens sa “tusok-tusok” post ni Bea Alonzo sa social media.

Habang nasa taping ng bago niyang serye sa GMA 7 na “Love Before Sunrise” kung saan makakatambal niya si Dennis Trillo ay naisipan ni Bea ang lumafang ng street food.

Makikita sa mga litratong ipinost niya sa Instagram ang pagtusuk-tusok niya sa fishball at kwekwek mula sa nakatambay na vendor sa isang lugar malapit sa kanilang location.

Kitang-kita si Bea na talagang ine-enjoy ang pagkain ng iba’t ibang uri ng tusok-tusok na nakahain sa food cart. Ininggit pa nga ng dalaga ang fiancé niyang si Dominic Roque habang nilalantakan ang biniling fishball at kwekwek.

“Huli ka! Fish ball and kwek-kwek break while on the set of Love Before Sunrise. Kakamiss! Favorite mo hun oh @dominicroque,” ang caption ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Pinuri naman ng mga netizens ang pagpapakatotoo ni Bea at ang kawalan ng arte sa katawan. Narito ang ilan sa mga comments ng kanyang IG followers.

“Napaka humble na babae!baka the next day headline na naman to “box office queen pinakain nalng ng kwek-kwek ng gma” hahahahaha dami pa naman nakaabang na mga pokemon sa galaw ni bei.”

“Yan ang kween walang kaarte arte at napaka humble very down to earth.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo umamin: ‘Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday!’

“Sure ako maanghang ang sauce nyo ni Dom. Ang sarap nyan Queen!”

“GANDANG WALA NG KELANGANG PANG PATUNAYAN. PERIODT.”

“Grabe ang simple mo.”

“Oh my…nagutom ako bigla! Pwede ba yan pakain mo samin Pag uwi namin? Sarap!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Kumakain din naman ako ng fishball at kwekwek sa daan pero hindi ganyan kaganda.”

“Ganda talaga ng idol na yan. simple lang.”

“Luh baket may hun? Inggit ka na nga sa kwek kwek at fishball may hun pa. @beaalonzo naman. Kaya si Teddie ang favorite eh.”

Heart ‘kinuyog’ sa socmed matapos lumafang ng tusok-tusok: ‘Parang naging P350 kada piraso ‘yung fishball!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia ginawang home office ang theater room sa bahay: This one is my favorite place!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending