Bea Alonzo umamin: 'Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday!' | Bandera

Bea Alonzo umamin: ‘Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday!’

Ervin Santiago |December 14,2022
facebook
share this

Bea Alonzo umamin: ‘Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday!’

Ervin Santiago - December 14, 2022 - 08:38 AM

Bea Alonzo umamin: 'Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday!'

Bea Alonzo

SUPER favorite raw talagang okasyon ng award-winning Kapuso actress na si Bea Alonzo ang Araw ng Pasko.

Kapag sumapit na ang “Ber months” ay looking forward na ang dalaga sa pagdating ng December dahil nga ito na ang simula ng Christmas season.

Ayon sa leading lady ni Alden Richards sa Kapuso primetime series na “Start-Up PH” mas lalo siyang sumasaya at mas nagiging inspired kapag nakakarinig na siya ng Christmas carols at mga bonggang dekorasyon.

Sa isang episode ng “Sarap, ‘Di Ba?” ay natanong ni Carmina Villarroel kung ano ang plano niya ngayong darating na Pasko. Sey ng aktres, dito siya magpa-Pasko sa Manila.

“Kasama ko ‘yung family ko. Mag-Christmas kami baka dito kami sa Manila na,” chika ni Bea.
s ko ‘yung bahay. Mahilig kasi ako mag-ayos ng bahay tuwing Pasko. Super big deal sa akin. Maabala ako, isa akong hermana mayor,” natawang pagbabahagi ng girlfriend ni Dominic Roque.

At bakit nga ba pinakapaborito niya ang Christmas sa lahat ng espesyal na okasyon, “Favorite ko talaga ang Pasko more than my birthday. Parang lahat sini-celebrate ninyo at walang trabaho lahat ng tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Samantala, hindi pa rin nauubusan ng plot twists ang GMA primetime series na “Start-Up PH” lalo na sa huling dalawang linggo nito.

Nagkaaminan na nga ng feelings sina Tristan (Alden) at Dani (Bea). Pero maging official na rin kaya ang relationship nila?

Samantala, after ng nakakakilig na first date ng TrisDan, isang unexpected problem naman ang gugulat sa kanila! Si Dave (Jeric Gonzales) nga ba ang nasa likod ng ransomware attack sa system ng kumpanya ni Dani? Paano nila malalagpasan ang panibagong challenge na ito?

Huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng “Start-Up PH”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Chito ibinandera ang sikreto para mapaligaya si Neri: Simple lang, pero promise super effective para pakiligin siya

Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart umaming certified Jolina fan; may branded bag na isa sa pinakamahal sa buong mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending