Chito ibinandera ang sikreto para mapaligaya si Neri: Simple lang, pero promise super effective para pakiligin siya | Bandera

Chito ibinandera ang sikreto para mapaligaya si Neri: Simple lang, pero promise super effective para pakiligin siya

Ervin Santiago |August 28,2022
facebook
share this

Chito ibinandera ang sikreto para mapaligaya si Neri: Simple lang, pero promise super effective para pakiligin siya

Ervin Santiago - August 28, 2022 - 09:52 AM

Chito Miranda at Neri Miranda

Chito Miranda at Neri Miranda

HINDI kailangang hintayin pa ang Mother’s Day o ang birthday at iba pang mahahalagang okasyon para iparamdam ang pagmamahal at pasasalamat natin sa mga nanay.

Yan ang paniniwala ng OPM icon at singer-songwriter na si Chito Miranda na siyang ginagawa niya ngayon sa kanyang butihing misis na si Neri Naig-Miranda.

Kahit walang okasyon, sinisiguro ni Chito ang pagbibigay importansya at pagpapahalaga sa lahat ng ginagawa ni Neri para sa kanilang pamilya sa kabila ng kabisihan nito bilang negosyante.

View this post on Instagram

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Sa Instagram, ibinahagi ng “Idol Philippines” judge ang ilang litrato ng kanilang pamilya na kuha sa bonding moments nila kasama ang mga anak.

Aniya sa caption, “Sobrang swerte talaga namin kay Ms. Neri…ang sarap lang talaga magmahal ng mga Mommy.

“Todo aligaga sa pag-alaga, at todo asikaso ang buong pamilya.

“…and para makabawi kahit paano, the kids and I try our best to do simple stuff to make her feel how much we appreciate her,” bahagi ng mensahe ni Chito para kay misis.

Pagpapatuloy pa niya, “Tulad ng paggawa ng simple notes (which Neri loves), picking wild flowers (actually mga ligaw na bulaklak lang sa village, oks na), and serving her some merienda-in-bed habang nagpapahinga sya.

“Simple lang, pero promise super effective para pakiligin sya ng buong pamilya,” sabi pa ng singer.
Dagdag pa niya, “Alam ko hindi Mothers’ Day ngayon, at wala namang okasyon, pero you don’t need a special occasion to make someone special feel how special they really are.”

Nauna rito, sinabi ni Chito na pinaghirapan muna niya nang bonggang-bongga ang panliligaw kay Neri noon bago niya ito napasagot.

Ipinost ni Chito ang solo photo ni Neri kalakip ang nakakakilig na caption na pinusuan at ni-like kanyang followers.

“Yup…nagyayabang lang talaga ako sa post na ‘to.

“Asawa ko sya, at inlab na inlab sya sa akin.

“Jackpot talaga ko eh!” panimulang hirit ng singer-songwriter.

Patuloy pa niya, “Pero di lang ako basta umasa sa swerte kung bakit ako naka-jackpot…pinaghirapan ko lahaaat ng dahilan kung bakit nya ako pinansin, kung bakit ko sya napasagot, kung bakit nya ako minahal ng todo todo, at kung bakit nya ako pinakasalan.

“Naniniwala ako sa swerte, pero luck favors those who work hard, and I realized early on, na the harder I work, the luckier I become.

“And everything I worked for made me more equipped, and made me lucky enough to catch a girl as amazing, and as beautiful as her,” pahayag pa ng Parokya ni Edgar frontman.

Isa pa raw sa nagustuhan niya sa asawa ay, “And what makes her more beautiful and amazing, is that being beautiful is not her priority.

“Yes, she tries her best to look nice, but her real priority is to make sure na palagi syang may bagong natututunan to constantly improve herself…always learning, palaging nagre-research, hindi naniniwala na ‘hanggang dito nalang sya’ tulad ngayon, after graduating, MBA naman.

“Iba talaga eh.

“Ayun…kaya ako swerte, at kaya ako naka-jackpot sa kanya!” pahayag pa ni Chito patungkol kay Neri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comments section, sinagot agad siya ng kanyang wifey, “Naaaaks! Inlab na inlab. Mukhang may inorder na naman to… bagong baril ba? Kakuntsaba mo ba ang @czphilippines? Nanalo ka ng raffle?”

Chito tinuturuan nang maggitara si Miggy: Pretty soon, makakakanta na siya ng simple songs

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending