Jane Oineza, RK Bagatsing nasa 'honeymoon' stage na kahit hindi pa kasal: 'We’re really having fun, we’re growing together' | Bandera

Jane Oineza, RK Bagatsing nasa ‘honeymoon’ stage na kahit hindi pa kasal: ‘We’re really having fun, we’re growing together’

Ervin Santiago |September 12,2023
facebook
share this

Jane Oineza, RK Bagatsing nasa ‘honeymoon’ stage na kahit hindi pa kasal: ‘We’re really having fun, we’re growing together’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 07:32 AM

Jane Oineza, RK Bagatsing nasa 'honeymoon' stage na kahit hindi pa kasal: 'We’re really having fun, we’re growing together'

Jane Oineza at RK Bagatsing

HINDI pa man ikinakasal, nasa “honeymoon” stage na ang Kapamilya celebrity couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Iyan ang diretsahang ibinandera ng aktres sa nakaraang presscon ng teleserye niyang “Nag-Aapoy Na Damdamin” kasama sina Ria Atayde, Tony Labrusca at JC de Vera.

“Yes, honeymoon stage pa rin kami!” ang natatawang chika ni Jane. “Charing lang! Ha-hahahaha!” ang biglang bawi ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elizabeth Jane Oineza 👽 (@janeoineza)


Paliwanag niya, “Pero ‘di ba, sinasabi nila, sa relationship, meron kayong getting to know you stage, then, lovey-dovey stage, at parang nandu’n pa rin naman kami sa lovey-dovey stage. Hindi naman nagbago.

“Kaya parang kiyeme, honeymoon stage pa rin. Doon pa rin kami sa stage na we’re really having fun, we’re happy together, we’re growing together, and that’s what important.

“And we’re all out support for each other,” ang pahayag pa ni Jane na halatang-halatang super in love talaga kay RK.

Pagpapatuloy pa ng aktres, kilalang-kilala na nila ng aktor ang isa’t isa, at habang tumatagal ang kanilang relasyon ay mas marami pa silang nadidiskubre sa personalidad ng bawat isa.

Baka Bet Mo: Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang ‘forever’: ‘Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang’

“As a person kasi, we’re constantly evolving, di ba? So I think growing together is what’s important, and getting to know the iba’t ibang phases in our lives together,” sey ni Jane.

Inamin din niya na si RK na ang “the right one” para sa kanya. Hindi naman daw nila sasayangin ang panahon at effort ng isa’t isa kung hindi nila nakikita ang kanilang future together.

“But again, no rush! No pressure!” chika pa ni Jane.

Tungkol naman sa kanyang character sa “Nag-Aapoy Na Damdamin” bilang si Claire, na nawalan ng memory sa kuwento, magsisimula na ang paghahanap niya sa tunay niyang pagkatao.

“For the longest time, hindi ko alam kung sino ako. Lahat lang alam ko ay galing lang sa information na ibinigay niya (Tony as Philip). Pero what’s exciting is unti-unti ng bumabalik ‘yung memories ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elizabeth Jane Oineza 👽 (@janeoineza)


“Unti-unti na akong may naaalala from the past na tina-try ko pa rin na intindihan or i-decode kung ano ang mga nakikita ko kasi hindi pa lahat malinaw.

“Pero lalabas na unti-unti ang memories ‘yung alaala, mapi-piece ko na ‘yung puzzle and lalabas na rin ‘yung pagiging palaban ni Claire as a person.

“Kasi for the longest time lagi lang siyang nasa loob ng bahay. Lagi lang siyang sumusunod kay Philip. Pero ‘yun na papasok na ‘yung paghihiganti era, ‘yung pagdududa,” sey ni Jane.

Napapanood ang “Nag-Aapoy Ng Damdamin” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hidilyn Diaz dedma muna sa honeymoon nila ni Julius Naranjo, uunahin ang training para sa 2024 Paris Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending