Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang 'forever': 'Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang' | Bandera

Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang ‘forever’: ‘Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang’

Ervin Santiago |July 19,2023
facebook
share this

Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang ‘forever’: ‘Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang’

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 07:00 AM

Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang 'forever': 'Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang'

Jane Oineza at RK Bagatsing

NAKIKITA na ng Kapamilya actress na si Jane Oineza bilang future husband ang kanyang longtime boyfriend na si RK Bagatsing.

Ayon kay Jane, na kay RK na ang halos lahat ng mga katangian na hinahanap niya sa isang lalaki kaya feeling lucky and proud talaga siya sa kanilang relasyon.

Ipinagdiinan ng dalaga na seryoso siya sa pakikipagrelasyon kahit noong kabataan niya at ipinagdarasal niya na sana’y si RK na nga ang kanyang “forever” at “the one.”

“Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang. So eventually darating tayo roon. Pero hindi naman kailangang magmadali,” sey ni Jane sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elizabeth Jane Oineza 👽 (@janeoineza)


Sabi pa ng lead star ng bagong drama series ng ABS-CBN na “Nag-Aapoy na Damdamin”, kahit na super busy sila ngayon sa kanilang respective career, sinisiguro nilang may oras pa rin sila para sa isa’t isa.

“Alam mo ‘yun ang nakakatuwa sa amin kasi kahit busy ‘yung isa’t isa hindi naman kami nangangamba masyado dahil alam namin na nandiyan lang kami full support.

Baka Bet Mo: RK Bagatsing, Jane Oineza wala pang balak magpakasal, marami pang gustong gawin sa kanilang showbiz career

“Lagi naman din kaming naghahanap ng oras sa isa’t isa. Kunwari ngayon kung busy ay lagi kaming naga-update, lagi kaming nag-uusap. Basta mag-i-squeeze in kami ng us time,” pahayag ng aktres.

Sey pa ni Jane, “Wala kaming tinatago sa isa’t isa kasi safe space namin ang isa’t isa.” Isa raw iyan sa mga sikreto ng kanilang pagsasama kaya naman mas lalo pang lumalalim at nagiging solid ang relasyon nila.

Samantala, mapapanood na simula sa July 25 ang “Nag-Aapoy na Damdamin”, directed by FM Reyes and Benedict Migue. Ka-join din dito sina JC de Vera, Tony Labrusca, Ria Atayde, Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez at Nico Antonio.

Abangan ang pagsisimula nito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z at TV5.

Pagpapaseksi, pakikipag-love scene ni Jane Oineza kina JC de Vera at Tony Labrusca aprub kay RK Bagatsing: ‘Sabi ko, take it all in and enjoy!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane Oineza bibida na sa sariling teleserye after 22 years sa ABS-CBN, inaming inalok lumipat sa ibang TV Network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending