Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias | Bandera

Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias

Therese Arceo |December 15,2021
facebook
share this

Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa kasama si Elias

Therese Arceo - December 15, 2021 - 11:44 PM

Derek, Ellen tuloy ang honeymoon sa Africa; deadma sa omicron variant?

DESIDIDO na ang mag-asawang sina Ellen Adarna at Derek Ramsay na ituloy ang kanilang balak na honeymoon sa Africa.

Nakatakdang lumipad ang mag-asawa papunta Africa sa second week ng January sa kabila ng banta ng omicron variant sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Kwento ni Derek sa kanyang interview kay Morly Alinio sa “Showbiz Talk” segment ng DZRH News ay kasama nila si Elias sa kanilang pag-alis.

“Gusto namin ma-experience ni Elias ‘yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ‘to e, na kung nandun na kami, tapos ‘yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias ‘yun.”

Si Elias ay ang panganay na anak ni Ellen Adarna sa kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz.

“‘Yung Safari, once mo lang gagawin yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias para ma-experience din niya,” dagdag pa ni Derek.

Sey pa ng aktor, nais rin sana nilang isama si Austin, anak ni Derek sa dating asawa ngunit hindi raw maaari dahil sa pag-aaral nito.

Nang tanungin naman si Derek kung tutuloy ba sila sa Europe matapos ang kanilang trip sa Africa ay agad na humindi ang aktor dahil sa COVID-19 restrictions lalo na’t tumataas ang bilang ng kaso ng omicron variant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)

Naikuwento naman ni Derek kung gaano siya kasaya ngayon sa kanyang buhay may asawa.

“After the wedding talagang smooth-sailing ang nangyayari sa amin ngayon,” pagbabahagi ni Derek.

Kahit raw noong nagpaplano sila ng kasal ay relaxed lang sila ni Ellen.

Ani Derek, wala raw pressure ang pagsasama nila ni Ellen sa kabila ng walang katapusan at tila palala nang palalang pagpa-prank nila sa isa’t isa.

“Masaya talaga kami dito sa bahay. Kuntento na kami dito sa bahay para safe. Nandyan ang coronavirus. Gusto lang namin dito sa bahay,” sabi ni Derek.

Wala na talagang atrasan ang honeymoon ng dalawa na naudlot ng halos dalawang buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagkaroon ang dalawa ng intimate at bonggang garden wedding sa isang private resort sa Bagac, Bataan noong Nobyembre 11 na dinaluhan ng ilang mga kilalang personalities gaya ng malapit na kaibigan ni Ellen na si Beauty Gonzalez at ang mag-asawang celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho kasama ang anak na si Scarlet Snow Belo.

Related Chika:
Derek idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol kina Ellen at Elias: Don’t ever attack my family

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending