Derek idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol kina Ellen at Elias: Don't ever attack my family | Bandera

Derek idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol kina Ellen at Elias: Don’t ever attack my family

Therese Arceo - October 30, 2021 - 12:09 PM

Derek gigil sa nagpapakalat ng fake news tungkol kina Ellen at Elias: Don't ever attack my family

GIGIL na gigil ang aktor na si Derek Ramsay dahil may isang publikasyon na nagpapakalat fake news ukol sa kanyang fiancé na si Ellen Adarna at anak nito na si Elias.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Derek ang isang screenshot ng Facebook post ng isang publikasyon na diumano’y nagpapakalat raw ng fake news.

Ayon kasi sa post ng publikasyon, hindi raw pinagamit ni Ellen Adarna kay Elias ang apelyido ng dating karelasyon na si John Lloyd Cruz.

“The ultimate bearer of fake news. We will definitely take legal action on this! Don’t ever attack my family!” gigil na saad ni Derek.

Isang screenshot na tila IG story ang kasama sa post ni Derek kung saan makikita ang detalye sa wedding invitation ng dalawa at ang pangalan ni Elias. Sa nasabing screenshot ay Elias Modesto Adarna lamang ang nakalagay.

Ang sumunod na photo naman ay screenshot ng putol na comment na “because someone posts a photo showing part of the wedding invitation doesn’t mean that Elias’ family name is not Cruz. Please be more circumspect in making a conclusion.”

Kasunod ng comment ay isang larawan ng invitation card na nakalagay ang buong pangalan ng bata na Elias Modesto Adarna Cruz, na siyang magiging ring bearer ng dalawa sa nalalapit na kasal nina Ellen at Derek.

Marami namang netizens ang nag-comment dahil pati ang walang kamalay-malay na bata ay nadadamay at ginagawan pa ng isyu ang kanyang fiancé.

“Wag sana dinadamay sa maling balita un batang wala pa kaalam alam,” comment pa ng netizen.

Agad naman itong nireplyan ni Derek ng “exactly”.

“It’s so sad that people are doing this just cause they’re driven with hate or whatever. Pati bata nadadamay,” saad ng isa pang netizen.

“Correct! Dapat makatikim ng leksyon yang mga gumagawa ng fake news sinisira nila image ng tao,” hirit pa ng isa sa post ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Samantala, kalay naman sa mga social media sites ang mga litrato ni John Lloyd Cruz na um-attend ng kasal kasama ang cute na anak na si Elias.

Related Chika:
Derek hindi inaagaw si Elias kay John Lloyd: Mabuti siyang tatay at wala kaming isyu
John Lloyd, Ellen, Derek nag-celebrate para sa 3rd b-day ni Elias

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending