Kapamilya singer-actor Gello Marquez natupad na ang pangarap na album, inialay sa yumaong ama: ‘Nasaan man siya ngayon sobrang happy siya’
IN FAIRNESS, promising ang singer-actor na si Gello Marquez na produkto ng “Idol Philippines” season 1 at feeling namin malayo pa ang mararating niya sa mundo ng showbiz.
Kamakailan ay naimbitahan kami sa launching ng kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Star Music kung saan kinanta niya ang ilan sa mga laman nitong tracks.
Super clap kami sa naging performance ni Gello dahil lahat ng kanta niya ay tumatak agad sa amin, lalo na ang “Hanap Kong Baby,” “Kumot At Unan”, “Duda-duda” at ang carrier single niyang “Penpen.”
Ayon sa binata, malapit sa totoong buhay ang tema at kuwento ng mga kantang nasa first album niya kaya siguradong marami ring kabataan at maging ang mga tito at tita na makaka-relate sa mga songs.
View this post on Instagram
Sa katunayan, kahit tapos na ang presscon ni Gello ay naririnig pa rin namin ang kanyang mga kanta, as in super LSS (last song syndrome) talaga kami, lalo na ang “Penpen” dahil napapa-throwback din kami sa tunog at lyrics nito.
“Dati nangangarap lang ako na magkaroon ako ng sariling kanta, ngayon album pa yung ibinigay. Sobrang overwhelming para sa akin na nangyayari ang lahat ng ito,” sabi ni Gello sa naganap na album launch.
May pitong Tagalog songs sa kanyang album kasama na mga riyan ang “Hanap Kong Baby,” “Kumot At Unan,” “Duda-duda,” “Kaibigan,” “Teddy Bear,” “Torpe,” at ang unang single niya na “Penpen” na inilabas noong Agosto. Napili niya ang mga awitin dito base na rin sa pagkahilig niya sa mga lumang kanta.
Baka Bet Mo: Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda
“It’s a modernized version of old songs kasi sobrang love ko yung mga lumang kanta,” ani Gelo.
Sa kantang “Penpen,” ikinukumpara ng “He’s Into Her” at “Love Bites” actor ang pag-ibig sa larong Pinoy na “Penpen de Sarapen.” Isinulat ito nina Allan G. Alveyra Jr. at Karl James Fabregas.
Sa inilabas naman na “Penpen” music video, nakasama ni Gello ang BGYO member na si Akira Morishita at dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Ashley del Mundo sa isang love triangle story kung saan sinusubok niyang itago ang nararamdamang pag-ibig.
View this post on Instagram
“I think it’s a fresh take on everything. Kasi parang iba’t ibang genres po siya. Lahat ng gusto niyong genre na hinahanap niyo baka nandoon at makita, kasi wide nga po ‘yung varieties ng songs,” aniya pa.
Iniaalay din ni Gello ang kanyang album sa yumao niyang ama, “Dahil isa po siya sa mga nangarap talaga na magkaroon ng sariling kanta.
“Willing pa nga siyang magbayad dati kung magkapera daw siya. Sobrang happy ako. For sure nasaan man siya ngayon sobrang happy siya sa narating ko ngayon,” sabi pa ng binata.
Mapapakinggan na ang debut album ni Gello sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.
Karina Bautista wala pang karanasan sa online dating; Gello Marquez magaling magpakilig
Supladong singer-actor sakit ng ulo ng mga taga-production; ayaw gumawa ng promo materials
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.