Angelica may hugot sa mataba at malaking eggplant ng Australia: 'Kaya ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian!' | Bandera

Angelica may hugot sa mataba at malaking eggplant ng Australia: ‘Kaya ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian!’

Ervin Santiago |September 12,2023
facebook
share this

Angelica may hugot sa mataba at malaking eggplant ng Australia: ‘Kaya ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian!’

Ervin Santiago - September 12, 2023 - 07:28 AM

Angelica may hugot sa mataba at malaking eggplant ng Australia: 'Nakita n’yo naman guys, walang-wala sa talong natin sa Pilipinas!'

Angelica Panganiban

IPINAGMALAKI ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang kakaibang laki at taba ng talong sa Australia at ikinumpara pa sa eggplant ng Pilipinas.

Naloka ang mga netizens sa mga pinagsasabi ng celebrity mommy sa latest vlog niya sa YouTube kung saan ikinuwento niya sa madlang pipol ang pagbabakasyon nila ng kanyang pamilya sa Sydney, Australia.

Kasama ni Angge na nagliwaliw sa Sydney ang kanyang partner na si Gregg Homan, at ang panganay nilang anak na si Baby Amila Sabine. Ito’y bahagi ng kanilang “Father’s Day” celebration last June.

“Welcome to our 2nd home here in Sydney, Australia! It’s Father’s day so we decided to go to the park and went to the grocery too. Our family is enjoying the wonderful vibe here,” ang bahagi ng caption na inilagay ni Angelica sa kanyang bagong vlog.

“We ‘re looking forward for more exciting adventures with our baby love. Hope you guys enjoy this video,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Ipinakita nina Angelica at Gregg sa kanilang mga YouTube subscribers kung gaano sila ka-hands on bilang nanay at tatay kay Baby Bean.

Baka Bet Mo: Pa-hashtag na ‘talong’ ni Maggie Wilson ikinaloka ng netizens: ‘Kulang na kulang pang-torta yarn!’

Pero sa isang bahagi nga ng video ay naloka at nawindang ang mga netizen nang ipakita ni Angge ang isang napakalaki at napakatabang talong na gagamitin niyang sangkap sa iluluto niyang dinner.

Sey ni Angge, wala raw talaga itong laban sa talong ng mga Pilipino, “Nakita n’yo naman ang kanilang eggplant, ang payat guys!

“Walang-wala sa talong natin sa Pilipinas. Kaya gusto ko talaga Australiano, eh,” ang tila may double meaning na sabi ng aktres.

Sabi naman ng kanyang dyowa na nakikinig at nanonood lang sa ginagawa niyang paghahanda ng mga sangkap sa iluluto niya, ang tawag daw sa ganu’ng klase ng talong ay “Aubergine.”

Sey pa ni Angelica, knows naman daw ng kanyang fiancé na gusto raw niyang makatuluyan noon ay isang Australiano.

“Alam ‘to ni Gregg, bago ko siya ma-meet, ang gusto ko talagang makatuluyan, Australian. Feeling ko kasi cool silang mga tao,” aniya pa.

Ellen hinamon ng netizens para sa susunod na shower video ni Derek: ‘Talong reveal naman diyan!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pangarap ni Alden tinupad ni Bea, ipinagmalaki kung gaano kabongga ang ‘Start-Up PH’: May laban po yung show namin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending