Pangarap ni Alden tinupad ni Bea, ipinagmalaki kung gaano kabongga ang 'Start-Up PH': May laban po yung show namin! | Bandera

Pangarap ni Alden tinupad ni Bea, ipinagmalaki kung gaano kabongga ang ‘Start-Up PH’: May laban po yung show namin!

Ervin Santiago - September 18, 2022 - 07:48 PM

Jeric Gonzales, Bea Alonzo, Alden Richards at Yasmien Kurdi

SUPER proud at ipinagmalaki nang bonggang-bongga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang bago niyang primetime series sa GMA na “Start-Up PH”.

Kagabi, September 17, ginanap ang special screening ng first two episodes ng Philippine adaptation ng popular Korean drama series sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria kung saan present ang apat na bidang sina Alden, Bea Alonzo, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

Bukod sa iba pang cast members at mga miyembro ng entertainment media, present din sa grand mediacon ang mga fans and supporters nina Alden at Bea.

Sa isang bahagi ng presscon pagkatapos ipalabas ang trailer ng “Start-Up PH”, siniguro ni Alden na, “We have a show. We have something that we can be very proud of.

“Based sa trailer na napanood natin, may laban po kami. May laban po yung show,” sey pa ng award-winning Kapuso actor.

Ito ang unang pagkakataon na magkakatambal sina Alden at Bea sa isang teleserye pero nagkatrabaho na sila sa isang product endorsement na kinunan pa sa Bangkok, Thailand.

Natanong ang aktor kung paano niya ilalarawan ang working relationship nila ni Bea, “Noong first time ko naka-work si Bea, sa isang endorsement abroad, sa Bangkok. Du’n kami unang nagkita.

“Nasa kabila (ABS-CBN) pa siya noon. Parang sabi ko na really looking forward ako na, one day, magkaroon kami ng project together.

View this post on Instagram

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


“Natutupad talaga yung mga pangarap so be careful with what you wish for. Yung mga nakita ko with Bea dito sa Start-Up, she puts good pressure on me, on us.

“Sobrang galing makisama ni B. Kita mo din yun, the first time we met sa Bangkok, parang four hours straight kaming nag-usap. Hindi kami nauubusan ng topic.

“So, very happy kami. I’m sure, me and all of the cast, we’re very proud that we have Bea Alonzo in this show,” aniya pa.

Dagdag pa ng binata, “Isa pa kaya nagustuhan ko ang project na ito kasi it’s something new for me. In my past shows, usually, ako yung kawawang-kawawa, naaapi sa simula. E, dito sa ‘Start-Up PH’, masungit na agad ang character ko. 

“But I like Good Boy kasi kahit gaano siya ka-cold at mukhang suplado, deep inside, he has a good heart. Nag-enjoy naman ako na magmukhang masungit,” sabi pa ni Alden about his character.

Pero hindi naman daw talaga masama ang character niya sa serye, “It’s just that meron siyang problem on how to express himself in a more cordial manner kasi ang dami niyang pinagdaanang challenge nu’ng bata pa siya. 

“He finds it hard to express himself kaya hindi siya showy sa emotions niya at nami-misinterpret tuloy siya ng mga tao.

“Mas malalim yung hugot ni Good Boy, e. Our writers, mas pinalalim nila ang character ni Good Boy rito, as played by Marco Masa as a young boy. 

“Mas madetalye ang background niya, unlike sa Korean version na pinadaanan lang in passing yung mga ibang detalye. Nabigyang-linaw ang dahilan why Good Boy is behaving that way when he grew up,” paliwanag pa niya.

Samantala, hiningan naman si Bea ng reaksiyon tungkol sa mga papuri sa kanya ni Alden, “I’m also very thankful and very, very flattered.

“And I can say that I feel the same about him, na siya yung parang naging welcoming committee ko sa GMA.

“Close niya lahat ng mga tao, yung mga staff, yung mga artista. He’s very playful on set na parang siya yung nagse-set ng tone. Happy daw.

“Kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. Natutunan ko sa kanya na you don’t have to take so many things too seriously. Minsan, puwede ka rin mag-enjoy,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Start-Up PH” simula sa September 26 sa GMA Telebabad, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Dominic Zapata.

Kasama rin dito sina Gina Alajar, Jackielou Blanco, Lovely Rivero, Niño Muhlach, Boy2 Quizon, Royce Cabrera, Gabby Eigenmann, Kevin Santos, Ayen Munji, Neil Sese, Kim Domingo at Tim Yap. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/320234/negosyo-tips-ni-alden-huwag-masyadong-maging-emosyonal-kapag-nagdedesisyon-dahil
https://bandera.inquirer.net/313354/alden-feeling-nostalgic-nang-makatrabaho-si-bea-idol-ko-yan-ngayon-kaeksena-mo-na-seryoso-ba-to
https://bandera.inquirer.net/316804/alden-mas-nag-effort-bilang-leading-man-ni-bea-sa-start-up-ph-kailangang-lumebel-kay-kim-seon-ho
https://bandera.inquirer.net/310015/bea-nagsimula-nang-mag-taping-para-sa-start-up-promise-sa-fans-may-bongga-siyang-filipino-twist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending