Guro sa Masbate bongga ang pa-feeding program sa mga estudyante, pinaghahanda ng sinigang, menudo, lechon
EFFORT kung effort ang isang guro sa Masbate City para lang sipaging pumasok ang kanyang mga estudyante.
Paano ba naman kasi, naglunsad siya ng “feeding program” kung saan ay pak na pak ang mga niluluto niyang mga pagkain.
Ilan lamang sa mga inihahanda niya ay sinigang na hipon, menudo, tortang talong, orange juice, dalandan juice at may pa-lechon pa!
Siya ang 31-year-old teacher na si Ronnie Valladores Jr., isang Grade 5 adviser mula sa Anas Elementary School.
Baka Bet Mo: Angelica ‘mission accomplished’ sa sorpresa kay Gregg: Panalo ako this month! Bawi ka sa June!
Nakachikahan ng BANDERA si Sir Ronnie at naikwento nga niya na ngayong taon lang niya sinimulan ang nasabing proyekto sa tulong ng kanyang sponsors at private donors.
Nabanggit din niya na bilang abala rin siya sa pagtuturo, katuwang niya sa pagpe-prepare at pagluluto ng mga putahe ay ang tatlong magulang.
Boluntaryo, aniya, na nagbigay ng tulong ang mga ito pero dahil hirap sa buhay ay kusa rin naman daw niya itong binibigyan ng P500 bilang regalo at tulong na rin.
Nang tanungin namin ang guro kung bakit niya naisipang magkaroon ng feeding program sa eskwelahan.
Ang sagot niya sa amin, bukod sa ma-motivate ang kanyang mga estudyante na pumasok araw-araw, nais din niyang maimprove ang kanilang academic performances sa pamamagitan ng masusustansyang pagkain.
“26 out of 39 [students] ang underweight,” paliwanag ni Sir Ronnie.
Chika pa niya, “Para sa ‘kin, mahalaga po ang masustansyang pagkain upang mag-improve ang kanilang academic performance sa loob ng classroom. Mababawasan din ang kanilang absenteeism.”
At dahil nga sa ginawa niyang inisyatibo, maraming magulang ang natuwa kung saan nagbayanihan ang mga ito na makapagpatayo ng kusina sa labas ng classroom.
Ayon pa kay Teacher Ronnie, ang kanyang feeding program ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at ito raw ay aabutin na ng isang taon.
Ang mensahe pa niya sa mga kapwa-guro, “Please come to think of new ideas on how you will motivate your pupils to be in your class.”
“Be their inspiration. Be a part of their solution. We never know how miserable their life may be, ‘wag na nating dagdagan. I-motivate and i-inspire natin sila instead,” sey pa niya.
Maraming netizens naman ang naantig sa pagmamahal at pagmamalasakit ni Teacher Ronnie para sa kanyang mga estudyante.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Sana marami pang gaya m Po sir n makakaisip mag motivate s mga estudyante,,,God bless you always sir [folded hands emojis]”
“Sana all na guro may malasakit sa mga students nila, para may magandang future God bless you always.”
“Nothing is impossible talaga by prayers through God [red heart emoji] More blessings to come sir.”
“You are the best SIR RONNIE VALLADORES Congrats [clapping hands emojis] God will always bless & guide you [folded hands, red heart emojis].”
Related Chika:
Claudine Barretto nag-effort pa rin para sa birthday ni Rico Yan: I love you!
RR Enriquez ‘nakisawsaw’ sa isyu nina Wilbert at Zeinab: Mas lalong minahal ng tao si…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.