Kiko Matos ‘nagdiwang’ sa natsuging socmed accounts ni Rendon

Kiko Matos ‘nagdiwang’ sa natsuging socmed accounts ni Rendon Labador: Panalo ang Pilipinas ngayon! Buti nga sa ’yo!

Pauline del Rosario |September 11,2023
facebook
share this

Kiko Matos ‘nagdiwang’ sa natsuging socmed accounts ni Rendon Labador: Panalo ang Pilipinas ngayon! Buti nga sa ’yo!

Pauline del Rosario - September 11, 2023 - 07:19 PM

Kiko Matos ‘nagdiwang’ sa natsuging socmed accounts ni Rendon Labador: Panalo ang Pilipinas ngayon! Buti nga sa ’yo!

Kiko Matos, Rendon Labador

MASAYANG-MASAYA ang aktor at MMA fighter na si Kiko Matos sa paggu-goodbye ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador sa social media world.

Makikita sa Facebook account ni Kiko na tila halos araw-araw niyang binabanatan at inaasar si Rendon.

Gaya na lamang ng isa niyang post na binati ang madlang pipol sa Facebook maliban sa social media influencer.

“Good morning, Pilipinas! Except kay RENDON Labador kasi wala syang PEYSBUK,” pang-aasar ni Kiko.

May ibinandera rin siya na ang caption ay, “‘Di bale nang walang buhok at least may FB.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Bukod diyan ay tila hindi nakuntento sa pangangantiyaw ang aktor at nag-upload pa ng kanyang video kung saan ay nagpaabot pa siya ng “condolences” sa nawalang Facebook account ni Rendon.

“Gusto ko lang ipahatid ang pakikiramay ko sa pagkawala ng buong social media ni Rendon Labador,” sarkastiko niyang panimula.

Patuloy niya, “Bilang isang content creator, mahirap po mawalan ng isang plataporma tulad ng Facebook sa social media.”

“Tila baga parang isang bangungot na sana magising ka na lang kapag nangyari ito. Kaya ako mismo hindi ko nanaisin ang pagkawala ng social media ng kahit sino at kahit kanino man sa kapwa-content creator ko,” sey pa ni Kiko.

Kasunod niyan ay naglabas na ng sama ng loob si Kiko laban kay Rendon habang natutuwa na wala na ito sa mundo ng socmed.

Mensahe niya, “Kaya Rendon Labador, eto lang ang masasabi ko sa’yo. Condolence sa pagkawala ng Facebook page mo pero p*t*ngina mo…buti nga sa’yo! Real talk, buti nga sa’yo.”

“Buti nga nawala ang Facebook mo! Stay motivated ka pang nalalaman,” sambit niya.

Aniya, “Yan tuloy! Na-motivate ng motivational rice mo ang taong bayan para ma-demotivate ang Facebook page mo. Buti nga sayo! Akala mo kung sino kang pepekto.”

Nabanggit din niya na hindi na raw niya kailangang gumanti kay Rendon dahil mismong ang taumbayan na ang naghiganti para sa kanya.

Kung maaalala noong 2021 ay naging magkaaway ang dalawang social media influencers matapos suntukin ni Rendon si Kiko sa “Battle of the YouTubers.”

“Panalo ang Pilipinas ngayon. Maraming salamat Pilipinas! Hindi ko na kailangan bumawi,” sey ni Kiko.

Saad pa niya, “Totoo ang kasabihan na ‘hayaan na natin ang Diyos. Diyos na ang bahala sa’yo.’ Ngayon natuwa na ang buong Pilipinas dahil nawala ka na.”

Matatandaang noong Agosto nang unang ibinahagi ni Rendon sa kanyang followers ang pagkakabura ng isa sa kanyang social media pages, ang TikTok.

Ilang beses nitong sinubukang umapela ngunit palaging nire-reject ng TikTok Philippines ang kanyang appeal ayon sa kanyang mga nagdaang post.

Sunod naman na nawala kay Rendon ay ang Facebook account pati na rin ang kanyang Google account at Messenger.

At ngayon nga ay tuluyan nang naka-lock ang kanyang X (dating Twitter) account habang nanganganib naman ang kanyang Instagram page.

Samantala, napag-alaman ng isa sa kanyang staff na umano’y mga fans ng mag-bestfriend na sina Vice Ganda at Coco Martin ang nag-mass report sa kanyang social media accounts.

“According to my staff confirmed na fans ni Coco Martin Batang Quiapo at fans ni Vice It’s Showtime ang nag mass report kaya tuluyang nabura ang facebook accounts ko,” lahad ni Rendon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Janno Gibbs minura ng basher dahil sa isyu ng pagbabayad ng buwis, agad rumesbak: Kung bastos ka, marunong din ako nu’n…

Gabbi Garcia ibinandera ang dyowang si Khalil Ramos: Buti na lang nasa tamang tao na ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending