Janno Gibbs minura ng basher dahil sa isyu ng pagbabayad ng buwis, agad rumesbak: Kung bastos ka, marunong din ako nu'n... | Bandera

Janno Gibbs minura ng basher dahil sa isyu ng pagbabayad ng buwis, agad rumesbak: Kung bastos ka, marunong din ako nu’n…

Ervin Santiago - July 04, 2022 - 04:02 PM

Janno Gibbs

MINURA ng isang netizen ang singer-comedian at TV host na si Janno Gibbs dahil sa isyu ng pagbabayad ng buwis.

Ito’y nag-ugat sa ipinost ng singer at veteran comedian kamakailan tungkol sa pagkakaiba ng mga mahihirap at mayayaman nating kababayan bayaran at yung mga nasa middle class pagdating sa bayaran ng buwis.

Aniya, buti pa raw ang mga mahihirap ay ligtas sa pagbabayad ng tax habang ang mga rich ay maraming paraan, pero ang nasa middle class wala raw ligtas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Narito ang kabuuan ng IG post ni Janno: “Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran.

“Buti pa mayaman, maraming paraan Kawawa middle class, walang takas.

“Buti nlang wala, akong trabaho (rolling on floor emojis).

“Buwis-et (laughing emoji),” aniya pa. Pero burado na ang IG post na ito ni Janno.

At kaninang umaga nga, July 4, ni-repost ni Janno sa kanyang Instagram account ang isang Facebook post  kung saan walang patumangga nga siyang minura ng netizen.

Pang-ookray ng hater sa komedyante, “Hoy Janno Gibbs lahat tayo ay nagbabayad ng tax b*w*k*ng i*a ka moving on.”

Talagang binasag ni Janno ang basher na kung ang pagbabasihan ay ang kanyang username ay isang supporter ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Alam naman ng lahat na isa si Janno sa mga celebrities na sumuporta sa kandidatura ni dating Vice-President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong May 9 national elections.

Ayon kay Janno, grabe na raw talaga ang mga tao ngayon kung makapagmura, makapambastos at makapanlait ng kanilang kapwa.

“Ganito na ba talaga tayo ngayon? (disappointed faces emojis).

“Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon, disente at may halong komedya.

“Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso.

“Yun nga ang pakay ko e. Basta’t disente ang usapan.

“Pero kung bastos ka, marunong din ako nu’n, P*k*n*ng i*a mo ka!” ang bwelta ni Janno sa hater gamit ang mga hashtags #paumanhinsalenguahe at #yunlangnaiintindihannila.

Mixed naman ang reaksyon ng mga netizens sa naging sagot ni Janno sa hater, may mga kumampi sa kanya pero may mga nangnega at kumontra rin sa kanya.

Matatandaan na kasagsagan ng kampanya para sa presidential election ay nawalan ng 4,000  followers si Janno dahil sa mga ipino-post niyang political views sa social media.

Karamihan sa mga nag-unfollow sa komedyante at OPM artist ay mga BBM supporters na kumokontra sa pangangampanya niya sa partido nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

https://bandera.inquirer.net/310835/janno-rumesbak-sa-nagsabing-kapit-siya-kay-leni-robredo-para-sa-kapamilya-franchise-banned-po-ako-sa-abs-cbn

https://bandera.inquirer.net/293497/jamill-pinuntahan-ng-taga-bir-sa-bahay-inaasikaso-na-po-namin-ngayon-sa-tamang-paraan

https://bandera.inquirer.net/298664/message-ni-aicelle-santos-sa-bashers-youre-very-welcome-to-unfollow

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending