Kathryn lumebel sa mga superstar ng Thailand, Japan, South Korea at China bilang Outstanding Asian Star; hindi pinipilit ni Daniel na magpakasal agad
TALAGANG hindi na mapipigilan ang pamamayagpag ng Box-office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo sa mundo ng showbiz.
Hindi lang dito sa Pilipinas humahataw ang kanyang kasikatan kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan ipinalalabas din ang mga nagawa niyang teleserye at pelikula kasama si Daniel Padilla.
At ngayon nga ay abangers na ang milyun-milyong KathNiel fans all over the universe sa nalalapit na pagpapalabas ng comeback movie niyang “A Very Good Girl” kasama ang internationally-acclaimed actress na si Dolly de Leon, mula sa Star Cinema.
In fairness naman kasi, sa trailer pa lang ng movie ay talagang maeengganyo ka nang panoorin ito sa sinehan dahil mukhang ibang Kathryn Bernardo nga ang makikita sa pelikula.
View this post on Instagram
“Nu’ng una namin siyang nakita (trailer), we were very, very happy with the trailer and kung paano siya nabuo yung journey na ito. It was very challenging for everybody but then nung nakita namin na buo na tapos ang-start na kami with the promo, this is it!” pahayag ni Kathryn sa isang panayam.
Kamakailan lang ay nagtungo sa Korea ang dalaga para personal na tanggapin ang kanyang Outstanding Asian Star award sa International Invitation category ng 2023 Seoul International Drama Awards.
“Lumipad (kami) before ng premiere so buti nga naayos yung schedule so nagbigay talaga kami ng time du’n kasi siyempre ni-recognize ang ABS-CBN and sina direk Mae (Cruz-Alviar) and everybody just to receive the award. So I’m very happy kasi first award ko yun internationally,” ani Kath.
Baka Bet Mo: Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context
Ang iba pang Outstanding Asian Star winners ay sina Park Eun-bin (South Korea), Gun Atthaphan Phunsawat (Thailand), Yunxi Luo (China), at Yusei Yagi (Japan).
Samantalala, ipinagdiinan ng aktres na wala talagang isyu sa kanila ni Daniel ang magsolo muna sa kani-kanilang career. Pinag-usapan naman daw nila ito bago magdesisyon.
“Kasi naging mutual na yung decision na yun sa amin and yung project ni DJ, oh my God! Kailangan niyo abangan. Sobrang ganda din nu’ng material na yun.
View this post on Instagram
“Ang importante magkasama kami off-cam, ‘di ba? So sobrang supportive lang siya dito sa akin and happy siya kasi alam niyang sobrang saya ko every time na mag-shu-shooting ako for this movie,” sey pa ni Kathryn.
At tungkol naman sa pag-level up ng kanilang relasyon, napag-uusapan na rin nila ni Daniel ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya in the near future.
“Yes of course. But then he respects my timing din. Alam ko din na hindi pa ako ready so ayaw mong pilitin yung mga ganun. Ang importante masaya kayo ngayon tapos take it day by day.
“Wala, matagal pa (wedding). Kasi ngayon nandito pa kami sa peak namin ngayon ni DJ na kailangan namin magtrabaho ng magtrabaho especially na may bahay na pinapagawa. Ang daming gastos. Ha-hahaha!
“And then parang alam din namin sa sarili namin na hindi pa, hindi pa time. And open kami about it ha. Iba-iba naman yung time na lahat,” aniya pa nang matanong kung hindi ba sila nape-pressure sa pangungulit ng fans kung kailan sila ikakasal.
Showing na ang “A Very Good Girl” sa mga sinehan simula sa September 27. Kasama rin nila dito ni Dolly sina Jake Ejercito, Chie Filomeno, Gillian Vicencio, at Kaori Oinuma, sa direksyon ni Petersen Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.