Aiko sa babaeng nagpayo na manlalaki rin ang kaibigang niloko ng asawa: 'Kakaloka! Wag ganyan mga ate, kahit kaya nating gawin, wag!' | Bandera

Aiko sa babaeng nagpayo na manlalaki rin ang kaibigang niloko ng asawa: ‘Kakaloka! Wag ganyan mga ate, kahit kaya nating gawin, wag!’

Ervin Santiago |September 11,2023
facebook
share this

Aiko sa babaeng nagpayo na manlalaki rin ang kaibigang niloko ng asawa: ‘Kakaloka! Wag ganyan mga ate, kahit kaya nating gawin, wag!’

Ervin Santiago - September 11, 2023 - 07:37 AM

Aiko sa babaeng nagpayo na manlalaki rin ang kaibigang niloko ng asawa: 'Kakaloka! Wag ganyan mga ate, kahit kaya nating gawin, wag!'

Aiko Melendez

NALOKA nang bonggang-bongga ang award-winning actress at public servant na si Aiko Melendez sa narinig na pagkukuwento ng isang babae tungkol sa pambababae ng kanyang asawa.

Chika ni Konsehala Aiko, may isang Marites (Mare ano’ng latest) at isang Marisol (kumareng sulsol) na nag-uusap daw sa kanilang barangay kamakalawa.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ang premyadong aktres ng kanyang litrato kalakip ang kanyang mensahe. Kuwento ng celebrity mom, maaga raw siyang nagising kahit nag-rest day siya.

“Good AM guys! Aga again gising. Rest day ko today dapat kasi sakit likod ko.

“Tumodo this week, alala ko kahapon sa barangay mga maritess nag kwekwentuhan sabi ung asawa daw niya nambabae sagot ni marisol, Eh di manlalaki ka din.

“Kakaloka wag ganyan ang mind set mga ate. kahit kaya naten gawin, wag.

“Kasi me karma eh. Hayaan na naten ang tao ang me masabi kesa sa sila ang me masabi sa atin,” pagbabahagi ni Aiko.

Baka Bet Mo: Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: ‘Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project’

Patuloy pa niya, “Basta para sa akin ung mga babaero kaduwagan at insecurity kasi kng secured ka sa buhay mo di ka maghahanap ng iba para ifeel ego mo!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


“Tama na nga baka mag B.I again ako ahahahaha! ayaw ko na mag viral muna!” ang kabuuang post ni Aiko sa FB.

Marami naman ang sumang-ayon sa mga sinabi ng aktres. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.

“Tama! Happy Sunday Aiko Melendez.”

“Stress malala si marites nyan , TAPOS May KAIBIGAN pa sya  na ganun  ang mindset.”

“Blessed morning, kung ayaw sa atin ipamigay na , Ang iba naman kase  sanay na sanay tumanggap ng basura.”

“Hala Ms Aiko Melendez nawawala na page ni Senyora. kaka donate mo pa lang sa tampalan..tinanggal na ni FB???”

“Tama yan Emilia! kahit mambabae pa si Raul e wag mo ipagpapalit kay Jaguar!  charottt we love youu Aiko!”

“Gnda magpayo ni marites hahaha pagnang babae kanya na lng wag na ibalik sa legal wife hahaha.”

Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending