Iwa Moto sa 'concerned' netizens ng viral video ni Thirdy

Iwa Moto sa ‘concerned’ netizens ng viral video ni Thirdy: Bago ka makapasok, hahabulin ka ng mga aso tsaka matibay ang lock ko!

Pauline del Rosario - September 08, 2023 - 10:11 AM

Iwa Moto sa viral video ni Thirdy na umakyat ng gate: Bago ka makapasok, hahabulin ka ng mga aso tsaka matibay ang lock ko!

Iwa Moto, Thirdy Lacson’s viral CCTV footage

NAGSALITA na ang dating aktres na si Iwa Moto kaugnay sa ibinandera niyang CCTV footage ng kanyang stepson na si Thirdy Lacson.

Magugunita noong Agosto nang kumalat ang video ni Thirdy kung saan makikita ang pag-akyat ng kanilang gate dahil late na itong nakauwi.

Marami ang naloka sa post na iyon ni Iwa dahil parang binigyan daw niya ng clue na mag-akyat bahay ang masasamang tao sa kanilang bahay.

Sa pamamagitan ng TikTok, inisa-isa ni Iwa ang mga naging “concern” ng netizens sa viral CCTV footage at tiniyak na hindi mangyayari ang mga sinasabi nila.

“Ngayon ko lang napansin, ang dami palang nag-react doon sa post ko na tumalon sa gate si Thirdy,” panimula niya sa video.

Paliwanag niya, “Hindi ‘yun ‘yung first time na ginawa [niya] ‘yun. Nagkataon lang na nakuha ko siya sa CCTV camera.”

Sinabi ng dating aktres na aware silang posibleng may sumampa nga sa kanilang gate dahil mababa lang ito, pero puno ng CCTV camera ang kanilang bahay kaya panatag naman siya na walang magtatangkang pasukin sila.

Baka Bet Mo: CCTV footage ng mga nakakalokang eksena ni Awra at ng lalaking nagreklamo sa kanya sa bar kalat na sa socmed

Bukod diyan ay lagi rin daw na naka-secure at naka-lock ang kanilang mga pinto.

“Sa lahat ng concerns diyan, siyempre alam ko naman, gets ko naman ‘yung concern ninyo na baka pasukin kami, pero definitely I doubt that they will do that kasi guys sa harap pa lang ng gate namin, dalawa na po ang CCTV namin,” chika niya.

Sey pa niya, “Tapos lahat po dito sa bahay namin nakasarado po. Saradong sarado ‘yung bahay namin.”

“Nag-reinforce kami ng mga locks dito sa bahay tapos siguro naman matatakot ‘yung tao na umakyat sa bakod namin kahit mababa siya kasi guys again ‘yung footage na ‘yun is 12 midnight,” dagdag niya.

Nabanggit ni Iwa na high class na CCTV camera ang nakakabit sa kanilang bahay kung saan ito raw ay colored at malinaw kahit sa gabi, at mayroon pang motion detector na nagno-notify agad sa kanyang cellphone sa tuwing may nakukunan na gumagalaw.

Patuloy niya, “‘Yung nilagay kong CCTV colored siya kahit gabi, ganun. Kaya mahiya naman po ‘yung sasampa ng bakod ko na ibang tao ‘diba? And may motion detector po kasi ‘yun. So everytime po guys na may gumagalaw po diyan, automatic po nagre-record siya at nagno-notify sa cellphone ko.”

@iam_iwaAng dami palang nag react sa post ko regarding sa pagsampa ng anak namin. 😂 eto para lang po medyo maintindihan nyo po ahhhh♬ original sound – Iwa Moto

Kasabay niyan ay muling nilinaw ni Iwa na kaya niya ipinost ang pag-akyat ni Thirdy ay dahil natuwa siya.

Kilala naman daw siya ni Jodi Sta. Maria na makulit at mahilig magbiro kaya walang malisya ang pagpo-post niya.

Para sa mga hindi masyadong aware, si Thirdy ay anak ng aktres na si Jodi kay Pampi Lacson na ngayon ay mister ni Iwa.

“Guys, kami ni Jods sobrang tropa ko siya. Alam niya na makulit ako and I always do pranks dito sa bahay namin at alam ni Jods ‘yun,” sambit ni Iwa. 

Ani pa niya, “Kaya ko pinost ‘yun, hindi ko gustong ipahiya ‘yung anak ko. I find it really, really funny tsaka brings back memories kasi ang tatay niya, sampang-bakod din ‘yan.”

“So ‘yung bakod, wala na akong magagawa, maliit talaga ‘yung bakod namin. Pero ‘yung bahay ko, bago ka makapasok e hahabulin ka ng mga aso tsaka matibay ang lock ko!” mensahe pa niya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jodi walang dahilan para magalit kay Iwa matapos mag-viral ang video ni Thirdy habang umaakyat sa gate ng bahay: ‘Wala siyang masamang intensiyon’

Valentine Rosales binawi ang ‘sorry’ kay Awra Briguela: Sabi ko na nga ba tama ako eh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending