Iwa Moto pinagalitan ng netizens sa ipinost na CCTV footage ni Thirdy Lacson: 'Parang tinuruan mo pa ang magnanakaw kung paano kayo looban' | Bandera

Iwa Moto pinagalitan ng netizens sa ipinost na CCTV footage ni Thirdy Lacson: ‘Parang tinuruan mo pa ang magnanakaw kung paano kayo looban’

Reggee Bonoan - August 23, 2023 - 08:08 PM

Iwa Moto pinagalitan ng netizens sa ipinost na CCTV footage ni Thirdy Lacson: 'Parang tinuruan mo pa ang magnanakaw kung paano kayo looban'

IPINOST ng dating aktres at maybahay ngayon ni Pampi Lacson na si Iwa Moto ang kuha sa CCTV ng pagtalon ni Thirdy Lacson sa gate nila dahil wala itong dalang susi.

Si Thirdy ay anak ng aktres na si Jodi Sta. Maria kay Pampi at close ito kay Iwa kaya sa tingin namin ay walang kaso sa binata kung i-post ito ng huli dahil naaliw siya.

Ang caption ni Iwa, “Tulog pa s’ya now (12noon). Kaya di nya alam na pinost ko to  (emoji laughing face) sorry ‘nak this is too funny not to post, papa-duplicate na ako ng susi mamaya.”

Cute rin para sa amin ang ginawang pagtalon ni Thirdy pero siyempre since na-post ito sa social media at marami ang nakakitang netizens ay hindi ito maganda dahil parang binigyan pa nito ng ideya ang mga taong may planong pasukin ang bahay nila.

At hindi nga kami nagkamali dahil marami kaming nabasang komento na halos ganito rin ang sinabi.

Sabi ni @lyzaporj, “I suggest not to post this for your safety parang tinuruan mo pa magnanakaw pano kayo looban.”

Baka Bet Mo: Iwa Moto nag-sorry sa pinangalanang ‘scammer’: She’s also a victim

Ganito rin ang payo ni @ princessmaui74, “Do not post this maam at baka gayahin ng iba at maakyat bahay gang kayo.”

Biro naman ng netizen na si @ kenrell44 sa post ni Iwa, “Welcome yo the group thirdy! Isa kanang ganap na ninja.”

Say ni @ mochichay_go, “Mukhang galing sa gimik ang kuya muy hahahahha.”

Pabor naman si @ iammildredvld, “Ganyan din po ako para di malaman na madaling araw na umuwi  charr. Welcome to the group.”

Paniniwala naman ni @ ainex_aneth, “Wala nman mag lalakas loob na umakyat sknla hahaha! Takot lang Nila baka LACSON Yan.”

Oo nga naman, sa mahigpit na subdivision nakatira ang pamilya Lacson at kaliwa’t kanan ang CCTV sa kanila at sa buong kalye kaya tiyak na mag-iisip ng mabuti ang may planong gumawa ng hindi maganda sa kanila.

Kaya ang payo ni @ jane_dswmanila, “Ang gwapo naman ng nag o ober da bakod, pagawan mo na cya ng duplicate pra safe pag uwi, I think he’s responsible namn on the purpose of having his own key.”

Aliw naman ang sabi ni @ crownmiles, “Lagot ka sa mommy Jodi mo. Batang laki sa Lactum ka tlga.”

Susog din ni @ aileen_magposao, “BATANG LACTUM yarn eh!”

Wala naman kaming nabasang komento mula sa mama Jodi ni Thirdy at sa kanyang daddy Pampi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jodi proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

CCTV footage ng mga nakakalokang eksena ni Awra at ng lalaking nagreklamo sa kanya sa bar kalat na sa socmed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending