Jodi walang dahilan para magalit kay Iwa matapos mag-viral ang video ni Thirdy habang umaakyat sa gate ng bahay: 'Wala siyang masamang intensiyon' | Bandera

Jodi walang dahilan para magalit kay Iwa matapos mag-viral ang video ni Thirdy habang umaakyat sa gate ng bahay: ‘Wala siyang masamang intensiyon’

Alex Brosas - September 05, 2023 - 12:45 AM

Jodi walang dahilan para magalit kay Iwa matapos mag-viral ang video ni Thirdy habang umaakyat sa gate ng bahay: 'Wala siyang masamang intensiyon'

Iwa Moto at Jodi Sta. Maria

HINDI minasama ni Jodi Sta. Maria ang pag-post ni Iwa Moto ng short video kung saan nakunan si Thirdy habang umaakyat ng kanilang gate dahil late na itong nakauwi.

Nag-viral ang nasabing video at marami ang naloka sa post na iyon ni Iwa. Kasi naman, para daw binigyan niya ng clue na mag-akyat bahay ang masasamang tao sa kanilang house.

Pero intinding-intindi ni Jodi na walang malisya sa ginawa ni Iwa.

“Iwa and I are friends so ayokong masamain ang pagpo-post (niya). I believe na nai-post niya iyon kasi she found it siguro cute and funny.

“Naniniwala ako na wala naman siyang masamang intention sa post na ‘yon. Siguro parang iniisip lang niya kasi na ang daming makaka-relate sa post na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)


“Aminin man natin o hindi, at one point ay nasaraduhan tayo ng gate, napag-lock-an din tayo ng pinto na hindi natin alam kung ano ang gagawin,” say ni Jodi sa amin during her post-birthday party for Kythe Foundation kung saan ambassador siya.

When asked kung anong klaseng mom siya kay Thirdy, she said, “Actually, hindi ko masasabi na relax kasi college na siya.

“Hindi ko rin naman masasabing masyado akong controlling kaso siyempre he is his own person. Hindi ko naman puwedeng sabihin na do this, do that. I’d say ano ako ngayon, coach sa life niya,” ani Jodi.

Baka Bet Mo: Jodi proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

“What I’m trying to say, when you do a marathon or a race during training, you know, you do your thing and your coach is always there beside you. Parang kung may nakikitang mali, magko-comment at bibigyan ka ng feedback for you to adjust.

“Parang ganoon ang role ko sa buhay ng anak ko ngayon. Pero hindi ko sinasabi na anak do this, don’t do that. Okay, ito ang ginagawa mo, kung I think hindi tama lagi namin ‘yang dinadaan sa pag-uusap. Napaka-open ng communication lines namin ng anak ko,” dagdag niyang paliwanag.

“Kasi ang normal answer when you ask them, ‘kumusta ka? ‘Okay lang po.’  Doon na nag-e-end kasi marami nang gusting gawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)


“So, ako naman, bilang may kakulitan, I try to as much as possible probe and try to ask questions na hindi answerable by yes or no so that kapag sumagot siya ay mae-explain or mae-expound (ang answer niya),” esplika pa niya.

Since 2017 pa ay tumutulong na si Jodi sa Kythe Foundation. Nakita lang niya ang isang post nito at kaagad siyang nag-inquire.

Ang foundation ay tumutulong sa mga kabataang may kanser at iba pang sakit.  Sa ngayon ay more than 8,000 ang kanilang tinutulungan.

“As a mother, may anak ako and alam natin that these kids have conditions. Kung makakatulong man ako  to give them semblance of normalcy habang nag-a-undergo sila ng treatment sa hospital, bakit hindi?” say pa ng Asian Academy Creative Awards best actress at bida ng toprating series na “Unbreak My Heart”.

Iwa Moto pinagalitan ng netizens sa ipinost na CCTV footage ni Thirdy Lacson: ‘Parang tinuruan mo pa ang magnanakaw kung paano kayo looban’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jodi Sta. Maria, Thirdy Lacson magkaklase sa culinary school

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending