Nanay ng sikat na aktres nag-iimbestiga sa panloloko ng aktor sa anak, buking na nakipagchurvahan sa isang female star | Bandera

Nanay ng sikat na aktres nag-iimbestiga sa panloloko ng aktor sa anak, buking na nakipagchurvahan sa isang female star

Reggee Bonoan |September 07,2023
facebook
share this

Nanay ng sikat na aktres nag-iimbestiga sa panloloko ng aktor sa anak, buking na nakipagchurvahan sa isang female star

Reggee Bonoan - September 07, 2023 - 06:40 PM

Nanay ng sikat na aktres nag-iimbestiga sa panloloko ng aktor sa anak, buking na nakipagchurvahan sa isang female star

Guess, guess who!? Magetsing n’yo kaya kung sinu-sino sila?

NAALIW kami sa nanay ng sikat na aktres dahil nabalitaan niyang may ginawa ang dyowang aktor ng anak at ang third party ay aktres din na paminsan-minsan ay nakakasama rin sa gimikan.

Kaya kami natawa sa nanay ng sikat na aktres ay dahil ang napagtanungan niya ay taong malapit sa aktres na third party kung may naging something ito sa aktor.

Itinanggi ito ng taong malapit sa aktres na third party dahil ang katwiran nito ay bakit siya ang tatanungin e, wala naman siyang alam at higit sa lahat kung mayroon man ay siyempre automatic na itatanggi niya ito para pangalagaan ang reputasyon.

“Di ba dapat ang tanungin niya ay si ___  (aktor) bilang dyowa ito ng anak niya?” kaswal na sabi ng aming source.

Hirit namin, malamang itatanggi ito ng aktor dahil ayaw niyang mag-away sila ng girlfriend niyang sikat na aktres.

“E, kaso nga kalat na ang nangyari kina ___ at ___ (aktor at aktres na third party) kaya napapapraning ‘yung nanay ni ___  (sikat na aktres). Siyempre bilang ina kailangan niyang alamin kasi nga lumalabas na niloloko ang anak niya,” giit pa ng aming kausap.

Baka Bet Mo: Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Ang sikat na aktres ay matagal nang may hinala pero inaalis niya sa isip niya na ang third party ay ang aktres na nakakasama nila sa gimikan at higit sa lahat ay nakababatang kapatid ang turing niya rito kasi nga mas bata naman talaga sa kanya at hindi rin nito lubos maisip na papatulan ito ng kanyang dyowang aktor.

Pero nangyari na ang nangyari kaya pala ang aktres na third party ay hindi na namin nakikitang nakakasama ng sikat na aktres at iba pa nilang kaibigan sa mga gimikan.

“Umiiwas na mismo si ___ (aktres na third party) para hindi siya matukoy kapag nagkakakuwentuhan, alam mo naman ang grupo nila silent Marites din sila,” pahayag ng aming source.

At habang sinusulat namin ang balitang ito ay napapraning daw ang aktres na third party dahil maraming nagpapadala ng mensahe sa kanya kung totoo ang balitang nagkaroon sila ng something ng aktor.

Anyway, going back sa nanay ng sikat na aktres ay mukhang siya ang mainit na nag-iimbestiga tungkol sa dyowa ng anak na sikat dahil nga ayaw niyang niloloko ang anak niya.

Payo namin sa nanay ng sikat na aktres ay tanungin na lang niya nang diretso ang aktor tutal naman madaldal din naman ito at baka sakaling madulas.

Michelle Madrigal hiwalay na sa dyowang afam, may hugot sa isyu ng ‘healing’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending