Chito Miranda 'tinulugan' ni SB19 Stell: Tignan mo 'tong taong to... | Bandera

Chito Miranda ‘tinulugan’ ni SB19 Stell: Tignan mo ‘tong taong to…

Therese Arceo - September 05, 2023 - 11:54 PM

Chito Miranda 'tinulugan' ni SB19 Stell: Tignan mo 'tong taong to...

ALIW na aliw ang kulitan nina Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda at SB19 member na si Stell Ajero.

Nitong Lunes, September 4, ibinandera ng PNE vocalist ang larawan ni Stell habang nakahiga ito sa upuan nila sa singing reality show na “The Voice Generations” na ipinapalabas sa GMA-7.

Caption ni Chito sa kanyang post, “Tingnan mo talaga ‘tong bata na ‘to…napaka-walang respeto.

“Tinutulugan ako habang nage-explain ako.”

Marami naman sa nga netizens ang natuwa sa post ni Chito lalo na’t marami ring mga fans ang sumusubaybay kay Stell at nag-aabang kung paano magbabardagulan ang dalawa online.

“HAHAAHHA KASI NAMAN COACH DI NAMAN DIN DAW SIYA PIPILIIN E , MATUTULOG NALANG DAW SIYA [laughing emoji] STELLLL MAHAL GISINGGGGGGG,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Idol Chito Miranda ayan na ang Brat na bunso mong kapatid hahahhahahahaha.”

“Pinagtulungan nyo kasi yan tuloy natulog nalang hahhahahahahah,” hirit naman ng isa.

Baka Bet Mo: Chito Miranda mas bumilib pa kay SB19 Stell nang makasama sa The Voice Generations: ‘Napaka-humble at hindi nagmamarunong’

Samantala, may mga netizens naman ang tila sineryoso ang pabirong post ng bokalista ng Parokya Ni Edgar.

Agad namang nag-react si Chito at natawa na lang sa mga naging reaksyon ng ilang netizens.

“Nakakatawa yung mga sumeryso sa caption ko.. eh obvious naman na joke.

“Gets ko na tuloy yung mga nagsasabi na dapat ihiwalay yung FB ng mga matatanda eh,” pabirong sey ni Chito.

Marami namang mga netizens ang dumipensa rin sa kulitan lang ng dalawa.

“Hahahahaha may mga behind the scenes yan na di nyo alam. Sa mga di naka gets ng biro ni Sir Chito, good luck na lang. Daming episodes pa nyan. Mananawa kayo kakajudge at kakabash kay Stell. Never naman kayong magiging judge ng TVG. Kaya nyo yan, maging bitter lang kayo,” sabi ng isa.

Dagdag pa ng isa, “Fenn Alcantara yes kht hbng buhay cla mangbash ky Stell (w/out knowing that story of Chito Miranda ) never cla mgging coach ng TVG.. Bsta tayu were [here] to support Sb19 Stell.”

Magkasama sina Chito at Stell sa “The Voice Generationsl kasama sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kulitan nina Chito at Regine sa ‘Idol PH’ pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: ‘Collab naman diyan!’

Kakai Bautista grabe magpaka-fan girl kay Stell ng SB19: ‘Sobrang nagustuhan ko siya kasi…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending