Kulitan nina Chito at Regine sa ‘Idol PH’ pak na pak sa madlang pipol, wish ng fans: ‘Collab naman diyan!’
BENTANG-BENTA sa madlang pipol at mga netizens ang kulitan at batuhan ng punchlines nina Chito Miranda at Regine Velasquez sa “Idol Philippines” ng ABS-CBN.
Bukod nga sa bakbakan mga “Idol” hopefuls, talagang inaabangan din ng manonood ang mga nakakaloka at nakakaaliw na moments ng Asia’s Songbird at ng bokalista ng Parokya ni Edgar.
In fairness, marami nga ang nagsa-suggest na magkaroon sana ng bonggang collab ang dalawang OPM icon pagkatapos ng “Idol Philippines” season 2 dahil siguradong papatok ito sa kanilang mga fans.
Kamakailan nga lang ay nag-share si Chito ng ilang BTS o behind the scenes na nangyayari sa “Idol Philippines” na hindi pa napapanood ng publiko, kabilang na rito ang mga paandar moments nila ni Regine.
View this post on Instagram
Ayon sa mister ni Neri Miranda, kino-consider niyang “forever seatmate” ang Songbird sa naturang reality talent search ng ABS-CBN.
Aniya, napakalaking tulong ni Regine sa kanya bilang hurado sa “Idol PH” dahil gina-guide siya nito pagdating sa mga technicalities ng bawat performance ng mga contestant.
Ang caption ni Chito sa kanyang IG post, “Mukha lang kaming nagkukulitan buong time, pero sa totoo, madalas seryoso din kami.
“Minsan kelangan ko talaga humingi ng tulong when it comes to technical shit kaya buti talaga katabi ko si Ate Reg. ‘Ate Reg…tama ba yung narinig ko? Flat ba yun?’” chika pa ni Chito.
Naikuwento pa niya ang isang eksena kung saan talagang nag-compare notes sila ni Regine tungkol sa performance ng isang “Idol hopeful.
“Minsan kasi di mo talaga mapapansin kung live mo pinapanood yung performance, lalo na kung super ganda ng tunog sa studio,” sey ng singer-songwriter.
Ibinuking din niya na hindi raw siya kailanman nagutom habang nagte-taping para sa kanilang show dahil sa dami ng pagkain sa ilalim ng kanilang table.
“Most of the time nagkukulitan lang talaga kami at pasimpleng kumakain ng snacks na tinatago namin sa ilalim ng judges table.
“Minsan nga parang buffet na yung ilalim ng lamesa namin sa dami ng snacks: may chips, cookies, sandwiches…minsan nga may halo-halo pa,” birong chika pa ni Chito.
Samantala, ipinost din ni Regine ang litrato nila ni Chito sa kanyang Instagram page na may caption na, “Yung seatmate mong mahilig kang utangan. PARDS pautang naman oh!”
Bukod sa dalawang OPM legend, kasama rin nila bilang judges sa second season ng “Idol Philippines” sina Moira dela Torre at Gary Valenciano.
https://bandera.inquirer.net/317131/chito-sa-solid-na-samahan-ng-parokya-ni-edgar-sa-amin-music-is-secondary-barkada-lang-muna-kaming-lahat
https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine
https://bandera.inquirer.net/321450/ice-seguerra-binantaan-ni-sylvia-sanchez-may-araw-ka-rin-tandaan-mo-gagantihan-kita
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.