Kris Bernal may pa-face reveal kay Hailee Lucca, ibinahagi ang kwento sa likod ng pangalan ng anak
OPISYAL nang ipinakilala ng aktres na si Kris Bernal at ng asawa nitong si Perry Choi sa madlang pipol ang kanilang panganay na si Hailee Lucca.
Sa kanyang vlog ay tuluyan na ngang ibinandera ng aktres sa netizens kanilang napakagandang baby girl.
Bukod rito ay ipinakita rin sa vlog ni Kris ang behind-the-scenes ng photoshoot ng kanilang little sunshine.
Ibinahagi rin niya ang naging journey ng kanyang panganganak noong August 15 kung saan sumailalim siya sa cesarean section delivery.
Chika ni Kris, hindi agad nila ipinaalam ang pagkakapanganak kay Hailee dahil nais nilang sulitin ang mga unang araw kasama ang kanilang little sunshine.
Nag-open up rin ang aktres sa kanilang bagong journey ukol sa pagiging first time parents at mga bagong miyembro ng “#TeamNoSleep”.
Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinandera ang baby girl na si Hailee Lucca sa publiko: She’s finally here
View this post on Instagram
Sey ni Kris, siya ang in-charge sa pagpapa-breastfeed habang si Perry naman ang bahala magpa-burp sa anak.
Ibinahagi rin ng aktres ang pinagmulan ng pangalan ng kanilang baby girl.
“‘Hailee Lucca’ inspired by the word “Hallelujah” that means “Praise the Lord”. My child is a manifestation of God’s divine love, and I am forever thankful for this blessing,” sey ni Kris.
Pagpapatuloy pa niya, “Additionally, I had an odd, excessive fondness (Paglilihi) for NBA player, Luka Doncic, throughout my entire pregnancy, kaya bumagay din.”
Matatandaang noong August 15 nang ipanganak ni Kris si Hailee at ipinaalam naman niya ito sa publiko noong August 30.
Related Chika:
Cristy Fermin pinuna ang ‘labis’ na pagbabahagi ni Kris Bernal sa social media: Gagawa kaya siya ng isang pelikula?
Kris Bernal ibinandera kung gaano kaswerte kay Perry Choi: The best husband a girl could ask for!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.