Mariah Carey may pa-shoutout sa mga Pinoy pagpasok ng 'Ber Month', alam na alam ang napakahabang Pasko sa Pinas | Bandera

Mariah Carey may pa-shoutout sa mga Pinoy pagpasok ng ‘Ber Month’, alam na alam ang napakahabang Pasko sa Pinas

Ervin Santiago |September 04,2023
facebook
share this

Mariah Carey may pa-shoutout sa mga Pinoy pagpasok ng ‘Ber Month’, alam na alam ang napakahabang Pasko sa Pinas

Ervin Santiago - September 04, 2023 - 12:03 AM

Mariah Carey may pa-shoutout sa mga Pinoy pagpasok ng 'Ber Month', alam na alam ang napakahabang Pasko sa Pinas

Mariah Carey

AWARE na aware ang international singer-producer na si Mariah Carey na isa siya sa mga itinuturing na Christmas icon ng mga Filipino.

Bukod kay Jose Mari Chan na binansagang “Father of Philippine Christmas Music” dahil sa kanyang iconic song na “Christmas In Our Hearts”, kabilang din ang mga kanta ni Mariah na nagsisilbing hudyat sa pagsisimula ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

Pagpasok na pagpasok pa lang kasi ng “Ber Month” ay muli na namang maririnig sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, lalo na sa mga shopping mall ang kanta ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariah Carey (@mariahcarey)


At in fairness, alam na alam yan ng award-winning singer-songwriter kaya naman sa kanyang X (dating Twitter) post nitong nagdaang September 3, nagparamdam din siya sa lahat ng mga Filipino all over the universe.

Sey ni Mariah sa kanyang post, hindi pa raw ito ang tamang panahon para kantahin niya uli ang “All I Want For Christmas Is You” pero pinapayagan na niyang patugtugin ng mga Pinoy ang kanyang Christmas songs sa pagsisimula pa lang ng “Ber Months.”

Aniya, “(singing image) Not yet!!!!”

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach pinakalma ang TikTok fans ni Joshua Garcia: ‘Wag na kayong magalit, aware naman ako sa pila!

“I’ll allow it for my Filipino lambs though!  (I don’t make the rules!),” aniya pa.

Sa kanyang X account, ibinahagi rin niya ang ipinost ng isa niyang fan account kung saan ibinalitang tumaas ang streaming ng “All I Want For Christmas Is You” sa Spotify simula nang pumasok ang September, 2023, kumpara last year.

“@MariahCarey’s ‘All I Want For Christmas Is You’ received 316K streams on Spotify yesterday, a 75% increase compared to the same day in 2022,” ang nakalagay sa caption ng nasabing news article.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mariah Carey (@mariahcarey)


Siyempre, tuwang-tuwa ang mga Pinoy fans ni Mariah nang mabasa ang kanyang post sa X. Narito ang ilang comments ng netizens.
“We are waiting for a Christmas concert here in the Philippines, let’s break records @MariahCarey!”

“Hahaha sana all ang mga Filipino…shoutout to Mariah Carey daw oh..hahahaha!”

“She knows Philippines is the Christmas capital of the world.”

“I’m in the Philippines and can confirm while shopping I heard this song 3x yesterday!! lol Filipinos don’t play, Xmas starts Sept 1st over here.”

“Proud Filo Lamb here! It’s like a tradition. When September starts you can hear Mariah in every place.”

Jose Mari Chan ‘lumantad’ na sa pagsisimula ng Christmas season; may hiling kay Mariah Carey

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘All I Want for Christmas Is You’ ni Mariah Carey nanguna sa Billboard Hot 100 chart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending