15 patay sa nasunog na pabrika ng mga T-shirt sa QC
HINDI bababa sa 15 ang mga nasawi sa nasunog na pabrika ng mga T-shirt sa Quezon City.
Base sa initial report ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa MGC Wearhouse Inc. na nasa residential area ng Pleasant View ng Barangay Tandang Sora noong August 31, 5:30 a.m.
Bandang 6:28 a.m. nang idineklarang “fire under control” ito at pagdating naman ng 8:04 a.m. nang maapula ang sunog.
Ayon sa mga awtoridad, karamihan sa mga namatay ay stay-in workers at kasama na riyan ang isa sa mga may-ari ng nasabing negosyo na si Michael John Cavilte, 44, pati na rin ang 3-year-old niyang pamangkin na si Erica Scarlet Cavilte at ina nito na si Maria Michaela Isabel Barbin, 23.
Kinilala din ang ilan pang fatalities na sina Wilmer Ritual, 25; Raffy Barrientos, 25; Julius Abarca, 20; Alfredo Manuel, 23; Jayson Dominguez, 45; Carmina Abalos, 22; Theresa Cruz, 25; Clarisse Mercado, 25; at Diane Lupinal, 25.
Baka Bet Mo: Nasunog na kotse sa EDSA-Boni MRT Station pag-aari ni Bryan Revilla, nag-sorry sa mga naabalang motorista
Ang tatlo pang nasawi ay nakilala lamang sa kanilang first names na sina Mia, 20; Aireen, 20; at Daisy, 30.
Nakaligtas naman mula sa insidente si Eric John, 25, partner ni Maria at tatay ni Erica Scarlet matapos tumalon mula sa second floor ng establisyemento, pati na rin ang dalawa pang naninirahan doon na sina Maria Fe Parel, 29, at ang nagngangalang Francisco, 20.
Ayon sa regional director ng BFP na si Chief Supt. Nahum Tarozza, lumilitaw na namatay ang mga biktima dahil sa “suffocation” o “fire trap.”
“When the first responders arrived, the house was totally engulfed in flames. It was already gone; the chemicals, the paint were a factor. The fabrics stoked the fire,” sey ni Tarroza.
Dagdag pa niya, “Their bodies were already charred when found later just outside their rooms.”
Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin ang naging sanhi ng sunog.
Samantala, sinabi naman ni Quezon City Mayor Belmonte na sasampahan niya ng mga kaso ang mga may-ari ng pabrika, kabilang na riyan ang reckless imprudence resulting in homicide, violation of the Fire Code and labor laws, at misdeclaration of taxes.
Read more:
Lee Ji Han kabilang sa mga nasawi sa Itaewon Halloween stampede
Darryl Yap nag-react sa kanyang ‘persona non grata’ status sa QC: Very immature
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.