Resbak ni Awra Briguela...kontra-demanda laban kay Mark Christian Ravana; walang aregluhan, tuloy ang laban | Bandera

Resbak ni Awra Briguela…kontra-demanda laban kay Mark Christian Ravana; walang aregluhan, tuloy ang laban

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 07:27 AM

Resbak ni Awra Briguela...kontra-demanda laban kay Mark Christian Ravana; walang aregluhan, tuloy ang laban

Awra Briguela at Mark Christian Ravana muling nagharap (Photo mula sa Radyo Inquirer)

“TULOY ang laban, walang aregluhan.” Mukhang yan ang nais sabihin ng kampo ng Kapamilya teen star na si Awra Briguela hinggil sa kinasasangkutan niyang mga kaso.

Ito’y matapos magsampa ng kontra-demanda si Awra laban kay Mark Christian Ravana sa Makati City Prosecutor’s Office kahapon, August 30.

Nagharap ang dalawa sa preliminary investigation kaugnay sa mga reklamong light threats, grave coercion at paglabag sa Safe Spaces Act na isinampa ni Ravana kay Awra dahil sa naganap na kaguluhan sa Bolthole Bar sa Barangay Poblacion, Makati noong Hunyo.

Itutuloy ngayong araw ang preliminary investigation ng mga reklamo ni Ravana dahil hindi nakarating ang witness ng kampo ni Awra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Naghain naman si Awra ng mga kasong violation sa anti-wire tapping law, slight physical injury at paglabag sa safe spaces act laban kay Ravana at isa pa nitong kasamahan kay Makati City Assistant Prosecutor Larry Cabero.

Kasama ng youngstar ang kanyang legal counsel na si Atty. Mikaelo Jaime Reyes nang maghain ng kaso.

Baka Bet Mo: Awra Briguela may pasaring sa Twitter: Bagong Pilipinas, bagong mukha tapos Marcos, Duterte pa rin?

Aniya, isa sa mga ebidensiya nila ay ang ipinost na video ng grupo ni Ravana sa social media kung saan kinunan si Briguela habang nakakulong sa presinto.

Samantala, ayon sa kampo ng lalaking pinagtripan umano ni Awra, naniniwala silang malakas ang kaso nila laban kay Awra.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


Bukod sa tatlong nabanggit na reklamo,  nahaharap din si Awra sa mga asuntong slight physical injuries at simple disobedience to a person in authority.

Pansamantalang nakalaya si Awra noong July 1, mula sa Makati Custodial Jail, matapos magpiyansa ng P6,000.

Kamakailan lamang ay nangako naman ang talent manager ni Awra na si Vice Ganda na hinding-hindi niya iiwan sa laban ang teen star sa kabila ng mga kinakaharap nitong kaso.

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalaking napagtripan ni Awra Briguela sa bar nagsampa uli ng 3 bagong kaso, handa sanang makipag-usap sa labas ng korte, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending