Geneva Cruz alam na kung bakit hindi nag-work ang 2 beses na pagpapakasal; may ultimate goal bago mag-50 | Bandera

Geneva Cruz alam na kung bakit hindi nag-work ang 2 beses na pagpapakasal; may ultimate goal bago mag-50

Ervin Santiago |August 28,2023
facebook
share this

Geneva Cruz alam na kung bakit hindi nag-work ang 2 beses na pagpapakasal; may ultimate goal bago mag-50

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 07:34 AM

Geneva Cruz knows na kung bakit hindi nag-work ang 2 beses na pagpapakasal, may ultimate goal bago mag-50

Geneva Cruz at anak na si London

NAPAKAHIRAP din para sa aktres at OPM artist na si Geneva Cruz ang maging single mother at working mom, lalo na raw sa mga panahon ngayon.

Marami nang challenges na pinagdaanan sa buhay si Geneva pero kakaiba pa rin daw talaga ang maging magulang lalo na kapag mag-isa mo lamang pinalalaki ang mga anak.

Pero aniya iba rin naman ang nararamdaman niyang fulfillment bilang isang nanay na mag-isang pinalalaki at itinataguyod ang kanyang anak na si London.

“Mahirap, financially, like ako very generous ako, very importante na ‘yung tumutulong sa akin, naabutan ko lagi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


“‘Yung effort ko doble, triple kasi meron akong hinahabol na edad na gusto ko mag-rest na muna ako, na gusto ko makitang magdalaga ‘yung anak ko,” ang pahayag ni Geneva sa panayam ni Karen Davila para sa kanyang YouTube channel.

Sey pa ng aktres, nagtatrabaho siya nang bonggang-bongga para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang 9-year-old daughter na anak niya sa dating fiancé.

“Gusto kong mag-travel pa kami nang marami, makita namin ‘yung favorite beaches namin sa mundo. I will always be young at heart.

“Ang maganda sa merong 9-year-old girl is that para akong may best friend talaga. I am growing up with her.

Baka Bet Mo: Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

“We like the same music, we likethe  same clothes. Napakahirap maging single mom and I salute all the women out there and kahit ‘yung mga tatay na single dads din mahirap talaga,” pagbabahagi pa ng dating member ng OPM icon group na Smokey Mountain.

Bilang single mom, dalawang role raw ang kanyang ginagampanan, “Ang nanay supposedly ‘yan ang nagbibigay ng nurturing sa family, ang tatay ang nagtatrabaho. Iba na ang times ngayon and I am doing both and I am trying to do both and it is very hard.”

Samantala, naibahagi rin ni Geneva ang dalawang beses niyang pagpapakasal – una sa musician-drummer na si Paco Arespacochaga, kung saan biniyayaan sila ng isang anak, si Heaven.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


Matapos mapawalang-bisa ang kanilang wedding, nagpakasal naman siya sa TV host-actor na si KC Montero noong 2004. Ngunit naghiwalay din sila noong 2010.

“At age 47, I am just happy na may self-awareness na ako na hindi tama na isisi sa mga partners lahat, na kailangan kilala mo rin ‘yung sarili mo. Mahirap kasi I was so young, eh.

“Na-realize ko lang lahat ng ito nang tumira ako sa America ng six years. Iniisip ko bakit ba hindi nagwo-work, ah may trauma na kailangang i-heal and hanggang ngayon tinitingnan ko pa rin kung paano ko pwedeng i-heal,” aniya.

Ano naman ang realisations niya mula sa kanyang past relationships, “Huwag magpadalus-dalos sa mga desisyon lalo na sa mga decisions of the heart. Better to work on yourself first.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geneva Cruz (@genevacruzofficial)


“Akala ko kasi nu’ng una, ‘Kaya ko ba walang relationship?’ Kaya ko. Iyon ‘yung maganda so kailangan relationship ko muna sa sarili ko. I cannot allow ‘yung fear, ‘yung takot na i-rule ‘yung buhay ko,” pahayag ng aktres.

Sa tanong kung ano ang ultimate goal niya bago siya mag-50 years old, “Maipatayo ko ‘yung dream rest house namin ni London. Meron nang nabiling lupa sa Tanay and I love nature and it gives me peace.

“Yun talaga ang pangarap ko na in three years gusto ko mag-lie low nang konti, na siguro kumanta na lang so I can see my daughter grow up kasi ‘yun ang hindi ko nagawa kay Heaven,” pagbabahagi pa ni Geneva Cruz.

Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: ‘It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Geneva Cruz rumesbak sa basher na nagsasabing ‘trying hard’ siya: It is a reflection of how bad you feel about yourself

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending