Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko! Bandera

Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

Ervin Santiago |July 10,2021
share this

Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

Ervin Santiago - July 10, 2021 - 08:55 AM

SUPALPAL na naman kay Geneva Cruz ang isang basher na nang-okray sa kanyang mga bikini photos sa Instagram.

Ilang beses nang nabiktima ng body shamers ang singer-actress sa social media at talagang patol kung patol ang drama niya sa mga ito, hindi niya basta hinahayaan ang mga haters na balahurain siya.

Kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinato sa kanya ng mga bastos at malilisyosong netizens — mula sa “ang itim ng singit”, “trying hard magpaka-hot mama” hanggang sa “pinakapangit sa magpipinsang Cruz sa showbiz.”

At lahat ng yan ay binuweltahan niya at sinagot nang bonggang-bongga. Talagang tinalakan niya ang mga ito para ipagtanggol ang sarili at iba pang biktima ng body shaming.

Kamakailan ay may binasag uli ang OPM artist ang isang basher na nag-comment sa latest swimsuit photos niya sa Instagram.

Kuha ang mga litrato nang magbakasyon siya sa Boracay noong Enero, 2021 kung saan makikita nga ang aktres na nakasuot ng red bikini habang nasa dagat.

Sinabihan siya ng hater na takpan ang hubad niyang katawan. Resbak sa kanya ni Geneva, “Yesterday, I was tagged by a female follower on a beach cover-up that isn’t my style.

“I appreciate your concern, Miss, but just because a fashionista wears something, it should be what I should be wearing too,” aniya.

Alam naman daw ng singer-actress na nang-aasar at gusto lang mang-inis ng netizen, “Di ka na nakuntento sa comment mo na halatang bitter lang talaga.

“Just so you know, I. DON’T. CARE. WHAT. YOU. THINK. OF. ME. I will wear a swimsuit on the beach or at home if I want to.

“NO-ONE SHOULD BE SHAMED for wearing proper swimwear,” diin ni Geneva. 

May mensahe rin siya sa lahat ng mga taong hindi natutuwa sa kanyang mga bikini photos, “To those of you who are annoyed that I like to flaunt my body, It would be my pleasure if you decide to unfollow me.

“I already said in the past that I would wear what I want to until my breasts are down to my knees.

“And to those of you who get inspired to give their bodies more love because of my posts, I am glad I’m able to do that. 

“I’d rather have followers who see me ‘beyond the surface’. I am never going to be everyone’s cup of tea, and that’s alright with me,” pahayag pa niya.

Sa isa pa niyang post, muling pinagsabihan ni Geneva ang mga bashers, “To those two haters of mine… No beach cover-up for me as I was busy doing water activities; it was much more comfortable wearing only this.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending