JED MADELA ayaw magdyowa: Pera muna, nagpapayaman pa ako!
SAMPUNG taon na pala si Jed Madela sa music industry at gusto niyang i-celebrate ito sa pamamagitan ng isang concert sa PICC Plenary Hall sa Nob. 15 na may titulong “X The Jed Madela 10th Anniversary”.
Hindi lingid kay Jed na tatlo sila nina Erik Santos at Sarah Geronimo na magse-selebra ng 10 taon sa music industry at pare-pareho silang may concert.
Mauuna nga lang si Erik sa Nob. 9 sa kaparehong venue at makakasabay naman ni Jed si Sarah sa Nob. 15 sa Smart Araneta Coliseum.
Kaya sa presscon ni Jed kahapon sa C3 Events place ay natanong ang singer kung hindi ba siya nag-aalala sa magkasabay na show nila si Sarah dahil tiyak na mahahati ang manonood sa kanila?
“Okay lang naman tutal sold-out na siya,” birong sabi ni Jed, sabay sabing, “At first siyempre, I was really surprised kasi I knew all along she was going to do her concert Nov. 22, so okay lang naman, sabi ko, Nov. 15, go tayo and then to my surprise, (November) 15 din pala siya.
“But you know, iba naman ‘yung crowd niya sa crowd ko and Araneta is pretty far sa PICC. At first nakakatakot kasi siyempre, Sarah Geronimo na ‘yan and she’s the Pop Princess, but as I said, it’s a different crowd, so no worries,” paliwanag ni Jed.
Sabi pa ni Jed, tiyak na maraming sayaw-sayaw si Sarah dahil good dancer ito samantalang hindi naman siya magaling sumayaw, pero depende pa rin daw sa gusto ng direktor niyang si Mr. M (Johnny Manahan).
At ang pagkakaiba ay may 18-piece big brass AMP band si Jed kaya’t classical/ballad ang mga kakantahin niya kumpa-ra kay Sarah na pawang ballad at pop.
At dahil 10 taon na si Jed sa industriya, aminado siyang marami rin siyang high and low sa career niya dahil dumating siya sa puntong gusto na niyang sumuko lalo na nu’ng hindi siya tanggap ng ibang tao pero nagpapasalamat siya sa mga nagtiwala pa rin sa kanya at sa kanyang musika.
Siyempre, muling tinanong kung may girlfriend na si Jed dahil sa 10 taon nga naman ay wala kaming nabalitaan o nakilalang nagpatibok ng puso niyam “Wow, lovelife, single po ako now,” natawang sagot ni Jed.
For 10 years, single si Jed, dugtong ng nagtanong, “Hindi naman po, I’ll make it a point po na to separate the private life from public. Good thing that I’m a singer. I’m not more of a mainstream actor, you know.
Sa movie kasi 100%, public property and everybody wants to be part of your life, so ako naman kasi, I really treasure my privacy.
“When it comes to private stuff and family, it’s really separate from work.
During the ten years, hindi naman ako naging single lang. I just managed to keep it private,” paliwanag mabuti ni Jed.
As of now ay hindi muna naghahanap ng lovelife si Jed dahil inuuna muna niyang maghanap ng, “Pera muna, magpaparami muna ako ng pera kasi siyempre, tumutulong din ako sa family ko,” katwiran niya.
Ang tipong babae ni Jed, “Siyempre somebody who can understand the business that I’m in. Hindi madali kasi ang oras ko hindi fixed, somebody who can make me laugh, and somebody who can take care of me.”
Muling tinanong ang kinukuwestiyong kasarian ni Jed, “Yung mga ganyang issue, for everybody who steps in the world of showbiz, there will always be questions like that, the sexual preference, your family background, ‘yung upbringing mo, lahat pakikialaman.
“And you cannot say one thing to put a period to it kasi kahit anong sabihin mo, meron at meron pa rin silang sasabihin.
“So, I have learned for the past 10 years that I have been in the business, I’ve learned how to go with the flow and let everybody talk, let everybody speak their mind and you know, hindi ko na kokontrahin.
“Kung anong gusto ninyong isipin o sasabihin, bahala na kayo, as long as I’m doing my job well, as long as I’m making people enjoy that’s what matter,” magandang paliwanag ng singer.
Oo nga naman, keber ba ni Jed sa lahat ng nagtatanong kung sino at ano ang pagkatao niya. Samantala, muling napanalunan ni Jed sa nakaraang PMPC Star Awards for Music ang Male Recording Artist of the Year sa loob ng tatlong magkakasunod na taon at nanalo muli sa pangalawang pagkakataon sa nakaraang Aliw awards bilang Concert of the Year.
Ang “X The Jed Madela 10th Anniversary Concert” ay co-presented ng Folded & Hung at major sponsors ang Cravings, PMX Audio, AD Central, Technomarine at Fernando’s Sanispring.
Ang 100% proceeds ng show ay mapupunta sa Bright Halls Children Foundation na matagal ng tinutulungan ni Jed.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.