Juday hands-on mom pa rin sa mga anak kahit busy sa work: 'Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina' | Bandera

Juday hands-on mom pa rin sa mga anak kahit busy sa work: ‘Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina’

Ervin Santiago |August 26,2023
facebook
share this

Juday hands-on mom pa rin sa mga anak kahit busy sa work: ‘Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina’

Ervin Santiago - August 26, 2023 - 01:38 PM

MARAMING natatanggap na movie offer ngayon ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos, pero wala pa raw dito ang posibleng project para sa kanila ni Claudine Barretto.

In fairness, marami ang nagre-request at nagsa-suggest sa mga movie producer, partikular na sa Star Cinema, na gawan na ng pelikula sina Juday at Claudine dahil long overdue na raw ang kanilang pagsasama sa big screen.

Ayon kay Juday, ilang qstory pitches na ang natatanggap niya nitong mga nakaraang buwan ngunit wala raw sa mga ito ang napapabalitang pagsasamagan nila ni Claudine.

“Wala pa. May inquiry. Tungkol sa schedule, pero walang nagpi-pitch ng konsepto,” ang pahayag ni Juday nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press nang ipakilala siya bilang latest ambassador ng Alaska.

Mismong si Juday na ang nagsabi na gusto rin niyang matuloy ang project niya with Claudine, “Of course, why not? I think it would be an interesting project.

Baka Bet Mo: Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’

“It could be something that is fitting to happen at this time when both of us already have children of our own. Iba na ang ihip ng hangin, kumbaga,” aniya pa.

Inalala pa niya ang naging “rivalry” nila noon ni Clau, “Palagi kaming nakatapat sa isa’t isa and I guess, it was a very healthy competition back then. I believe there’s always a need for you to have a competition in order for you to find out what more you can do to improve.

“We’re okay. We never just had the chance to go out and be really close,” aniya pa.

Samantala, kahit na may mga acting projects si Judy Ann, sinisiguro niyang nagagampanan pa rin niya ang kanyang mga responsibilidad bilang nanay at asawa.

Knows n’yo ba na 5 a.m. pa lang ay gising na si Juday para mag-prepare ng baon ng mga anak, pati na rin ang babaunin ni Ryan sa pagpasok niya sa noontime show nitong sa “E.A.T.” sa TV5?

“Maaga akong gumigising. I have to make the kids’ baon. Pine-prepare ko rin baon ni Ry before going to work.

“I always wake up in the morning, bago gisingin ang mga bata bago pumasok, gagawin ko yung mga baon nila. Ako talaga ang gumagawa ng mga baon nila,” pahayag ni Juday.

Aniya, nais daw kasi niyang masiguro na masustansiya ang kinakain ng kanyang pamilya. Pati ang paghahatid sa school sa mga bata ay talagang pinaglalaanan ng oras ni Judy Ann.

“Ito kasi yung mga moments na hindi mo na talaga mababalikan. And gusto ko nandu’n ako, yung presence ko nandiyan. At saka it makes me happy.

“More than anything, parang… ang na-realize ko, hindi lang naman ito dahil naging present ka sa mga anak mo, e, ikaw mismo bilang tao, bilang nanay.

“Napu-fulfill ko yung sinumpaan ko sa asawa ko na maging mabuting ina. Ako mismo, alam ko ginagawa ko yun lahat sa abot ng makakaya ko para maalagaan ko yung mga bata.

“And iba yung energy ng bata kung ikaw mismo yung naghahatid, ikaw yung nagpi-prepare ng pagkain, at saka pag tinanong nila ako, alam ko yung isasagot ko,” pagbabahagi pa ni Juday sa mediacon ng bago niyang endorsement.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit siya ang napili ng mga taga-Alaska na kunin bilang latest ambassador. Swak na swak daw kasi sa aktres at celebrity mom ang patuloy na ipinaglalaban ng naturang brand.

Ayon naman kay Star Estacio, ang Marketing Director ng bagong produktong ineendorso ni Juday, “Alaska Milk’s purpose has always been to nourish Filipino dreams, one we can truly say we’ve continuously been pursuing for years.

“Today, we take a more proactive approach to this mission by partnering with an individual who, time and again, uses the full extent of her capabilities and influence for the same purpose.

“Judy Ann Santos is not just an accomplished actress, she is a mom and a purpose-driven influencer who sees food as a tool to help better the lives of those around her. She is—without a doubt—the best celebrity out there right now to represent our brand and what we stand for,” aniya pa.

Related Chika:

Juday sa pagiging host ng ‘Magandang Buhay’: Nakakaloka! Kinakabahan ako, ano ba yan?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending