Kim Chiu ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, how true? | Bandera

Kim Chiu ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, how true?

Therese Arceo |August 23,2023
facebook
share this

Kim Chiu ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, how true?

Therese Arceo - August 23, 2023 - 09:21 PM

Kim Chiu ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, how true?

TRULILI nga ba ang chika na iniiwasan ng TV host-actress na si Kim Chiu na magpa-interview sa talent manager na si Ogie Diaz?

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Update” vlog ng talent manager ay napag-usapan nina Ogie kasama sina Mama Loi at Tita Jegs ang mga isyung kinakaharap ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Dito nga ay nabanggit ni Tita Jegs ang nasabing “vibrator” at “p*kp*k shorts” na sinabi ni Kim habang on air ang programa.

“Feeling ko palalagpasin yan ng MTRCB kasi inosente naman ‘yung mukha ni Kim Chiu,” pakiwari ni Ogie.

Singit naman ni Mama Loi, “At saka binawi agad. ‘Di ba ‘yun ‘yung sabi [na kapag same episode, babawain mo ‘yung feeling mo nagkamali ka ng sinabi].”

Ngunit hindi pa rin daw ligtas ang paghingi ng tawad ni Kim sa MTRCB ngunit malaki ang tsansa na maabswelto sa pagkakamaling nagawa habang live na napapanood ang “It’s Showtime”.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Kim Chiu inireklamo rin sa MTRCB dahil sa paggamit ng salitang ‘vibrator’ at ‘p*k p*k shorts’ sa It’s Showtime, makatarungan nga ba?

Nag-suggest naman si Tita Jegs na aa ay makapanayam nila ang dalaga upang hingiin ang panig nito.

Natatawang bahagi naman ni Ogie, sinubukan raw niyang mag-reach out kay Kim at tinext niya pa ito.

Noong una ay sumagot naman ang dalaga ngunit kalaunan ay tila naiwang “delivered” na lamang ang kanyang mensahe nang tanungin kung pwede na niya itong maka-one on one interview.

Muli namang nag-text si Ogie ng “Ah baka busy ka lang. ‘Di bale, next time na lang” ngunit wala pa ring reply si Kim.

Chika pa ng talent manager, baka busy lang daw talaga ang dalaga.

“Ok lang kung ayaw mong magpa-interview sa akin. No problem,” sey pa niya.

Singit naman ni Mama Loi, parang kinakabahan na raw ang mga artistang magpa-interview kay Ogie. Tingin naman ng huli, baka may mga itinatago ang mga ito.

Nilinaw naman ni Ogie na wala siyang galit na nararamdaman kay Kim ngunit mas maigi raw sanang mag-reply ito at tumanggi kaysa dedmahin siya.

“Pero ok lang.Kapag hindi mo naramdamang gusto mo, ‘wag mong gagawin. Iyan naman ang importante… Sana nga lang sumagot ng ‘Mama, pass muna’, mas matatanggap ko pero ‘yung dedma [natawa], matatanggap ko pa rin naman.

“Normal ‘yan. Yan ang turo sa amin. ‘Pag ikaw lumapit at tinanggihan ka, dapat handa ka. Kapag sila lumapit at tinanggihan mo sila, dapat handa rin sila,” lahad ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa namang pahayag si Kim ukol sa isyu.

Related Chika:
Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!

Kim Chiu inintriga ng basher dahil sa sandamakmak na pares ng sapatos, ipinagtanggol ng mga supporters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending