Pasko na, tayo na sa food bazaars! | Bandera

Pasko na, tayo na sa food bazaars!

Ige Ramos - October 21, 2013 - 01:13 PM

DALAWANG buwan bago ang Pasko ay laganap na ang mga food bazaars sa mga malls at plaza. Pero wala na yatang tatalo sa galing at konsepto ng Pinoy Eats World.

Kamakailan ay nagkaroon ng event ang grupo sa Podium na pinamagatang “World Eats: Man Food,” isang well-curated food fair na tinampukan ng 17 purveyors ng mga pagkain na hindi matatawaran ang sarap at husay ng pagkakagawa.

Ito ay ang Spring by Ha Yuan, Wild flour, El Greco Filipino, Buckys, The Curator, Nomama, Kitayama, Asiong’s of Cavite, Fog City Creamery, Home Made Treasures, Everybody’s Café, Mr. Delicious, Edgy Veggy at ang General Store tampok ang VL Farms, Ritual at Risa Chocolates.

Itinatag ni JJ Yulo at Cres Rodriguez Yulo, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Namee Jorolan-Sunico at Marfee Dizon, ang maliit na grupo na tinawag nilang Pinoy Eats World na ang layunin ay palaguin ang isang bagong kamalayan sa kultura ng pagkain na may kabuluhan sa paraang nakakaaliw at may aspetong pang-edukasyon.

Kanilang sinasaliksik at ginugalugad ang iba’t ibang sulok ng bansa at Kamaynilaan upang humanap ng mga makabagong purveyor at mga restaurant na nag-aalay ng mga bagong pananaw sa tradisyunal na pagkain.

Nakasentro rito ang “guerilla dinners,” isang konsepto ng food tour kung saan ang mga kasali ay hindi alam kung saan sila kakain at at kung ano ang kanilang kakainin hanggang dumating sila sa isang lugar na ang resulta ay isang masarap na sorpresa.

Naniniwala ang Pinoy Eats World sa kapangyarihan ng komunidad at ang tululungan at palitan ng mga ideya kung paano itatanghal sa balana ang pagkaing Pilipino at dayuhan.

Ang Pinoy Eats World ay palaging nagmamasid at tinutuklas ang mga pagkaing nauuso pa lamang. Hinahanap din nila ang mga manlilikha ng pagkain na katulad din nila ang pag-iisip.

Sa sama-samang kamalayan ay kanilang naibabahagi ang kanilang kaalaman at simbuyo ng damdamin at naiimpluwensyahan din nito ang kanilang  iba’t ibang hilig tulad ng disenyo, musika at sining.

Ang lahat ng ito ay maaaninag sa kanilang presentasyon, exhibit at pagkain. Hinihikayat ng Pinoy Eats World ang isang matibay na pagbubungkos ng pagkakaibigan at kapatiran, pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan mga ideya at pagpapalaganap ng pag-ibig sa sining ng pagluluto at pagsasalu-salo sa isang makabuluhan, matapat, masarap at malinis na pagkain sa pamamagitan ng kanilang mga programa tulad ng Manly Eats, Guerrilla Dinners, Food+ART at sa kanilang maraming Themed Dinners.

Ang mga bestseller ng World Eats: Man Food: Produktong Caviteño tulad ng Pancit Pusit, Rellenong Bangus, Tamales, Huevos de Pescao at Bagoong Alamang ng Asiongs of Cavite na pinamumunuan ni Sonny Lua.

Bayani Brew, ang all-nutricious, all-delicious at all-Filipino Iced Tea na tampok sa kiosk ng Every Body’s Café ng San Fernando, Pampanga.

Classic 1930s Ensaymada, Chili Ensaymada at Guava Jam Mamon ni Chona Ayson ng Home Made Treasures ng Porac, Pampanga. Chocnut Butter na gawa ng Ritual.

Laksa, isang noodle dish na tubong-Malaysia, na may pares na Mushroom Longganisa Siopao ng Edgy Veggie ni Denise Celdran.

Isa itong vegetarian purveyor na binibigyang halaga ang mga lokal na produkto. Gumagamit sila ng mga kabute na galing sa farm ng Ministry of Mushrooms ng Zamboanga. Mayroon din silang Gumamela juice na pamatid-uhaw.

Snowskin Mooncakes ng Spring by Ha Yuan na kinagigiliwan ng mga Chinoy at Pinoy customers. Hindi ko makakalimutan ang mooncake na may palamang dark chocolate at salted caramel truffle.

Sa tingin pa lang ay maglalaway ka na sa sarap. Mga produkto na galing Greece tulad ng Kalamata Olives, Virgin Olive Oil at mga kilalang Greek desserts tulad ng Baklava ng El Greco ni Aleth Ocampo.

Artisanal na pagkain tulad ng Bacon Lollipop, Applewood Bacon, Wagyu Pastrami at Wagyu Cornbeef Sandwich ni Jeremy Slagle ng Mr. Delicious.

Marami sanang iba’t ibang produkto pa ang nais kong tikman at subukan, ngunit kulang ang isang buong araw upang makain ko ang lahat ng ito.

Hindi lamang nakakabusog ang event ng Pinoy Eats World, nakakatuwa at nakakaalis din ito ng pagod dahil mapaglikha at kakaiba ang mga alay nilang pagkain.

Sa huli ay masasabi mo talaga na  ito ay isang unique experience. Sa mga organizers ng Pinoy Eat World, saludo ako sa inyo! Minulat ninyo ang bagong kaalaman at kamalayan kung ano pa ang magagawa natin sa pagkaing Pilipino.

Tarta De Limon con Quezo Lemon Ricotta Squares

DAHIL palapit na ang Pasko at world food ang tema ng Bandehado ngayong Linggo, naisipan kong ibahagi ang resipe ni Chef Miguel de Alba ng  Alba’s Restaurante Español mula sa isang cooking demo na itinanghal ng Maya  Kitchen.
Yield: 15 pieces

Ingredients:

1 ¾ cups (220 g), plain flour
1 teaspoon, baking powder
180 grams, unsalted butter
210 grams, sugar
4 pieces, eggs
200 grams, cream cheese
350 grams, ricotta cheese
150 ml, cream
1 teaspoon, lemon rind
¾ cup (185 ml), lemon juice
Icing sugar, for dusting

Procedure:
1. Preheat the oven to moderate 3500 F. Lightly grease an 8×12 inch pan and line with baking paper, hanging over the two long sides.

2. Place the flour, baking powder, butter and 100 g of the sugar in a food  processor and process in short burst until the mixture comes together in a ball. Add 1 egg and process until combined.

3. Press the mixture into the tin. Bake for 25-30 minutes. Remove from the oven. Reduce the oven to slow 3000 F.

4. Place the cream cheese, ricotta, cream, lemon rind and juice, remaining  sugar, and remaining eggs in the cleaned food processor and combined for a few seconds.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

5. Pour onto the pastry base and bake for 25-30 minutes- the slice will still have slight wobble at this stage.

6. Cool slightly, then refrigerate for 2 hours to firm. Cut into pieces. Dust with the icing sugar and serve.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending