Gwapong aktor na natsitsismis na beki huli sa akto ng kasambahay, sinuhulan ng super mahal na regalo para manahimik | Bandera

Gwapong aktor na natsitsismis na beki huli sa akto ng kasambahay, sinuhulan ng super mahal na regalo para manahimik

Reggee Bonoan |August 17,2023
facebook
share this

Gwapong aktor na natsitsismis na beki huli sa akto ng kasambahay, sinuhulan ng super mahal na regalo para manahimik

Reggee Bonoan - August 17, 2023 - 03:45 PM

Gwapong aktor na natsitsismis na beki huli sa akto ng kasambahay, sinuhulan ng super mahal na regalo para manahimik

MATAGAL nang natsitsismis na bisexual ang dalawang gwapong aktor at singer dahil sa malamya nilang kilos.

Sinabi namin sa aming source na hindi kami naniniwala dahil may mga naging girlfriend na ang dalawang guwapong singer-actor hanggang ngayon.

Tinanong kami kung nakailang dyowang girl na ang dalawang bida sa blind item na ito at binanggit namin na dalawa ‘yung isa at nakaisa naman ‘yung isa pa.

“See, kasi kuntento na sila sa isa kasi may iba rin silang gusto,” diin ng aming source.

Nabanggit pa ng aming source, “Yung isa nabuking ng kasambahay nila kaya sinuhulan ng bonggang regalo na kung bibilhin ito ng kasambahay ay malamang maraming taon siyang magdidilig ng buong garden at maglilinis ng sasakyan.”

Wala namang ganitong drama ‘yung isa pang guwapong singer-actor dahil open secret daw ito sa loob at labas ng bahay nila maliban sa public places dito sa bansa.

Pero kapag nasa ibang bansa raw ito, “Lagi siyang nasa gay bar sa San Francisco (USA).”

Baka Bet Mo: Supladong singer-actor sakit ng ulo ng mga taga-production; ayaw gumawa ng promo materials

Balik-tanong namin, gay na bang matatawag kapag pumasok sa gay bar?

“Technically, no, but what other reasons you have for being there? Besides, mga regulars (visitors) ang mga yan doon,” sagot ng aming source.

Ang aming source ay mahilig sa nightlife kapag nasa ibang bansa kaya marami siyang nakikita roon na mga kilalang personalidad.

Nakita rin niya ang isa pang gwapong aktor na hindi pa raw nag-a-out na may kasama laging foreigner actor na sa tingin niya ay Espanyol ito.

“Wait and watch mo na lang na mag-ala BB Gandanghari ‘yang dalawa in few years time,” sabi pa sa amin.

Hmmmm, sige maniniwala lang talaga kami kapag nag-out na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba pang Blind Items:
Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

So-so actress at dyowang may konek din sa showbiz nag-away dahil sa matinding selos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending